Advertisers

Advertisers

DUTERTE BINIRA ULI SI PACQUIAO: “PUNCH DRUNK KA”

0 389

Advertisers

MULI na namang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na tinawag niyang “punch drunk” dahil sa mga isiniwalat nitong korapsyon umano sa ilang ahensya ng gobyerno.

Sa taped address to the nation ng Pangulo, tinawag niyang punch drunk si Pacquiao dahil hindi umano totoo na may nawawalang P10.4 bilyong pondo.

“I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala na P10 billion?” “That is a statement coming from a guy that is punch drunk, lasing,” ani Duterte.



Magugunitang ibinunyag ni Pacquiao na aabot sa P10.4 bilyon ang pondo na hindi naibigay sa mga beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP).

Ibinunyag din ni Pacquiao na ang Starpay, isang E-wallet application na ginamit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nabigong ipamahagi ang kabuuang pondo sa ilalim ng SAP.

Ayon kay Pacquiao, 500,000 sa 1.8 million beneficiaries ang nakakuha ng ayuda. Wala aniyang nakuha kahit piso ang natitirang 1.3 milyong beneficiaries.

Hinamon naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang senador na maglabas ng ebidensya na magpapatunay sa kanyang akusasyon.

Bukod sa DSWD, tinukoy din ni Pacquiao ang korapsyon sa Department of Health (DOH) matapos siyang hamunin ni Duterte na pangalanan ang mga ahensya na may nagaganap na korapsyon.



Binanggit din ng Pangulo ang aabot sa P2 bilyon na tax liability ni Pacquiao. (Jonah Mallari)