Advertisers
ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 19-anyos na lalaki sa panghahalay sa ka-chat na menor de edad.
Ayon sa NBI, nagkakilala ang lalaki at ang dalagitang 12-anyos sa pakikipag-chat sa social media.
Sa ulat, ang paalam ng dalagita sa magulang ay may bibilhin lang sa tindahan pero nagyaya umano ang lalaki na magkita sila sa bahay ng kanyang kabarkada, na nauwi sa inuman.
Ayon naman sa lalaki, ang pakilala raw sa kanya ng dalagita ay 16 anyos na ito.
“Siya ang nagyaya na magsama kami sa kuwarto. Tapos siya rin ang nagsabi na patayin ko ang ilaw bago matulog. Nagulat ako na niyakap niya ako tapos hinalikan ako. Lalaki lang ako,” ayon sa lalaki.
Pero ayon sa NBI, walang lusot ang mga katwiran ng lalaki.
“Hindi katanggap-tanggap ang reason na ‘yan considering na ang victim ay dose anyos at ‘yung circumstance na pinainom pa nila,” ayon kay Bernard dela Cruz, executive officer ng NBI Special Task Force.
Kulong ang lalaki sa kasong rape.
Iniimbestigahan din ng NBI kung dapat din bang kasuhan ang mga kabarkada ng lalaki.