Advertisers
TIMBOG sa buy bust operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group at PNP-IMEG ang isang pulis na sangkot sa iligal na pagbebenta ng mga baril.
Kinilala ang nadakip na si Lt. Roy Bravo, 46 anyos. residente ng Francisco Homes, Yakal, San Jose del Monte City, na nakatalaga sa Bocaue Police Station.
Sa report, nakuha kay Bravo ang isang caliber 9mm pistol sub-machine-gun na ibinibenta sa halagang P75,000.00.
Bukod dito, nakumpiska rin kay Bravo ang isang cal. 9mm Beretta na burado ang serial number, isang silencer for sub-machine-gun at mga bala, isang kotse na Susuki na may plakang NDK-6153.
Nadakip ang pulis sa bahagi ng EDSA, Makati, sa isang gasolinahan.
Pagalabag sa RA. 10591 o illegal possession of firearms and ammunitions ang isasampang kaso laban kay Bravo. (Thony D. Arcenal/Mark Obleada)