Advertisers
PATULOY na busy bilang DJ Diane sa kanyang DDM Studio Live broadcast show, “Notes from the heart” ang tinaguriang Princess of Love Songs na si Diane de Mesa.
Nagtatampok ito ng mga artists/musicians na kanyang iniinterview sa kanyang programa na mapapanood sa DDM Studio Live at Best TV (ATC International) pages sa Facebook Live.
Abala rin ang singer-songwriter sa kanyang karera sa musika… kasalukuyang ginagawa ang kanyang bagong album na puro original songs na sinulat ni Diane at inareglo ni Elmer Blancaflor. Kasama rin ang kanyang banda na LSS Sessionists na naglalapat naman ng iba pang instrumento sa mga kantang ito. Asahang marami na namang hugot songs ang ating maririnig mula kay Diane.
Meron ding “Acoustic Live Session” na inilalabas si Diane kasama ang kanyang banda “Diane & LSS Sessionists” kada buwan na ipinalalabas din sa Facebook live. I-follow si Diane sa kanyang broadcast page na “DDM Studio Live” para maging updated sa kanyang events.
Abangan din ang “Aliw Awards Virtual Concert” na makakasama rin si Diane sa October 2021. Nakamit ni Diane ang “International Multimedia Talent of the Year 2020” sa nakaraang Aliw Awards.
Bumabati rin nga pala si Diane ng “Happy 18th Anniversary” sa Police Files TONITE!