Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA episode na Never Have I’ve Been vlog ni Jessy Mendiola, sumalang sa question and answer portion ang aktres at ang mister niyang si Luis Manzano.
Isa sa mga natanong kay Jessy ang pagiging vain nito.
Ani Jessy, wala raw naman siyang nakikitang masama sa pagiging vain o camera-conscious lalo na sa mga celebrities na good looks ang puhunan.
Sa nasabing vlog din, inamin din niyang may mga pagkakataong ini-edit niya ang mga litratong ipinopost niya sa kanyang social media account dahil natakot siya sa sasabihin ng netizens. Ito raw ay iyong mga pagkakataong feeling niya na tumaba siya.
Malaki rin daw kasi ang pressure noon kapag naba-bash ang isang personalidad dahil sa kanyang hitsura.
“I have. I tried editing my photos nung time na super taba ko tapos bina-bash ako ng mga tao. So medyo nag-iba ‘yung pag-iisip ko doon or pananaw ko. Kailangan, shocks, payat lagi ang i-post ko sa social media. Dapat walang stretch marks, dapat walang imperfections para hindi ako i-bash,” aniya.
Pero napagtanto raw niya na minsan sa pagtatatago umano niya ng kanyang imperfections ay doon mas nahahalata ito ng discerning netizens.
“But it turns out, mas nahahalata pa at mas nagmumukhang fake talaga ‘pag nakita ka nila in person or sa videos, tapos magkaiba ‘yung itsura nung videos tsaka nung pictures,” pahayag niya.
Sa ngayon, mas bet na lamang niyang maging simple at hindi na raw bothered sa kanyang detractors.
Kamakailan, naging usap-usapan na naman si Jessy nang ipagtanggol nito sa isang follower ang ex ng kanyang mister na si Angel Locsin na kasal na ngayon kay Neil Arce.