Advertisers

Advertisers

Checkpoint sa NCR tatanggalin na – PNP

0 332

Advertisers

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine National Police na tatanggalin na nila ang mga checkpoint sa Metro Manila simula ngayong araw, Setyembre 16 kasabay ng implementasyon ng Alert Level 4 na quarantine classification dahil nagdudulot ng ito ng trapiko.

Saad ni PNP chief Guillermo Eleazar, sesentro ang puwersa ngayon ng mga pulis sa mga lugar na mayroong granular lockdown.

Ayon pa kay Eleazar na hindi na bago para sa mga pulis ang pagbabantay sa mga lugar na may granular lockdown dahil noon pa man ay ginagawa na ito ng kanilang hanay.



Sa ilalim ng Alert Level 4, bawal lumabas ng bahay ang mga edad 18 anyos pababa at 65 anyos pataas.

Bawal din lumabas ng bahay ang mga mayroong immunodeficiencies, comorbidities, mga buntis at iba pang may sakit.



Sa kabila nito, sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na ipakakalat na lang ang pwersa ng kapulisan sa mga lugar na kailangan sila.

Patuloy pa ring hihigpitan ng PNP ang pagsisiguro na tanging mga authorized person outside residence lang ang makalalabas at pauuwiin ang mga hindi APOR.



Giit ni Eleazar, imbes na checkpoints ay nagiging chokepoints pa ang mga ito at nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko. (Josephine Patricio)