Advertisers

Advertisers

DOJ nag-isyu na ng immigration lookout bulletin order vs Michael Yang

0 250

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na naglabas na ito ng Immigration lookout bulletin order (ILBO) laban kay dating presidential economic adviser Michael Yang.

Nilinaw ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na ito ay lookout order lamang at hindi hold departure order.

Ipapaalam lamang ng mga immigration officials sa kalihim ng DOJ kung nagtangkang umalis ng bansa sa pamamagitan ng airports o seaports si Yang o kilala rin sa pangalang si Yang Hong Ming.



Iniimbestigahan ngayon ang Davao-based na si Yang ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa connection niya sa Pharmally Pharmaceutical Corp. na siyang binilhan ng gobyerno ng mga pandemic supplies noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Guevarra na bukod kay Yang ay naglabas din sila ng ILBO kay dating Budget Undersecretary Llyod Christopher Lao at pitong iba pa na sina Atty. Warren Rex Liong, Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizile Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong at Mohit Dargani.



Mismong si Senate President Vicente Tito Sotto III ang humiling ng paglabas ng ILBO sa nasabing mga personalidad. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">