Advertisers
NAGPATUTSADA si Bise Presidente Leni Robredo sa nakalilito at pabago-bagong quarantine classifications and labels na ipinapatupad ng bansa kung saan ang mga maliliit na negosyo ang higit na tinatamaan.
“Ang dami na nating terms na ginamit na kahit ako litong-lito na ako. Pati ‘yung (that definition ng terms umiiba,” ani Robredo.
Dagdag pa ni Robredo, tila napapaglaruan na ang buhay ng mamamayan kaya’t hiling niya ay magkaroon muna ng maayos at malinaw na pag-uusap ang mga kinauukulan bago isapubliko ang mga desisyon.
Reaksyon ito ni Robredo sa dapat na pilot testing ng granular lockdown sa ilang lugar sa Metro Manila kapalit ng iba’t-ibang community quarantine restrictions noong Setyembre 8.
Ngunit isang araw bago ito ipatupad ay nagbago ang isip ng gobyerno at sinabi na sisimulan ito sa Setyembre 16 at magtatagal hanggang Setyembre 30.
Gayundin, inanunsiyo mismo ng Malakanyang na balik-general community quarantine (GCQ) na ang Metro Manila, ngunit binawi rin ito at ipinagpatuloy na lang ang pagpapairal sa modified enhanced community quarantine (MECQ). (Josephine Patricio)