Advertisers

Advertisers

DINE-IN SA NCR SA MGA BAKUNADO LANG

0 247

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Tourism (DOT) na lilimitahan na ng pamahalaan sa mga fully vaccinated kontra COVID-19 ang mga tatanggapin sa mga dine-in services sa Metro Manila.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ito’y kasabay ng pagsasailalim ng Metro Manila sa alert level 4 simula bukas, Setyembre 16.

Sa ilalim ng naturang alert level system, 10% lamang ang papayagang kapasidad sa mga dine-in operations kaya’t kinakailangang iprisinta ng mga ito ang kanilang vaccination card.



Habang ang mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna ay papayagan naman sa al-fresco dining sa 30% kapasidad.

Samantala, ipinagmalaki naman ni Secretary Puyat na 99% na sa mga tourism workers sa Metro Manila ang naturukan na ng COVID-19 vaccine. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">