Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
INIINTRIGA ngayon si Heaven Peralejo dahil tila ang dali raw nitong naka-move on after nang napabalitang hiwalayan nila ng ex na si Kiko Estrada.
Pagkatapos kasi na i-unfollow ng huli sa Instagram account nito ang aktres, naging matunog na ang balitang break na ang dalawa.
Sa kanyang social media account din, burado na rin ang sweet photos nila together ni Heaven.
Sa kaso naman ni Heaven, mum lang siya tungkol sa napabalitang breakup nila ni Kiko.
Sa halip, mga pampa-good vibes ang kanyang ipino-post sa kanyang IG na para bang sinasabing hindi siya apektado sa hiwalayan blues nila ng Kapamilya actor.
Matatandaang nangyari ang pag-unfollow ni Kiko kay Heaven isang linggo lamang pagkatapos na magpa-interview ang una sa vlog ng talent manager turned vlogger na si Mama Ogie Diaz.
Sa nasabing vlog ni Mama Oggs, ipinagtanggol ni Kiko si Heaven sa detractors nito at klinaro pa nito na hindi ang girlfriend ang third party sa paghihiwalay nila noon ni Devon Seron.
Recently naman, sa Instagram post, itsinika ng beteranang kolumnistang si Lolit Solis na may ginagawa raw na serye si Heaven katambal ang anak ng isang mayamang businessman at itinuturing na heredero ng isang clothing line.
Ito raw marahil ang dahilan kaya hindi na ito na-hurt pa sa relasyon nila ni Kikong nauwi sa splitville.
“Excited naman ako sa seryeng Pasabuy ang title Salve na ilalabas sa WeTV . Kasi nga bida dito si Gino Roque, anak nina Gunn at Cris Roque ng Kamiseta Apparel, Skin, Vanilla Coffeeshop at Kamiseta Hotel. College graduate si Gino Roque, at training siya to take over sa business ng family niya.
Pero talagang bata pa medyo excited na ma-experience ang showbiz kaya naman hindi pinigilan ng mga magulang. Meron naman fallback pag na feel niya na hindi pala para sa kanya ang showbiz world. Mabait at magalang na bata na kung siguro mabibigyan ng magagandang project puwede ng sumabay sa mga nauna na nag-artista sa kanya dahil he has the look naman at physique na pang showbiz. Sana nga mag click itong Pasabuy nila ni Heaven para naman maging masaya ang mga kapatid ni Gino who is cheering him on na matupad ang kanyang showbiz dream.
Welcome Gino Roque, pag may problema ka, call mo sina Salve at Gorgy, mga tita mo sila na laging handa sa pagtulong sa iyo. Fighting!! #classiclolita #takeitperminutemeganun #74naako,” mensahe ni Manay Lolit.
Dahil sa post na ito, hindi naman napigilang mag-react ng ilang mahadera na nagsabing ang wannabe raw ang ipinalit ni Heaven kay Kiko.