Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
WAGI sa Kapuso viewers ang kauna-unahang episode ng biggest telemovie collaboration ng taon na ‘Regal Studio Presents’ na tampok ang tambalang Ken Chan at Sanya Lopez.
Double trending ang first offering ng GMA at Regal na “That Thin Line Between,” at parehas pasok sa Top Trending list ang mga hashtag na #KenSanyaRegalStudioPresents at #GMAREGALStudioPresents sa Twitter!
Lubos namang nagpasalamat sina Ken at Sanya sa lahat ng tumutok sa kanilang episode.
Ngayong Sabado, September 18, tungkol naman sa sirenang si Raya ang dapat abangan sa weekly anthology starring ang ‘Team Jolly’ na sina Sofia Pablo at Allen Ansay!
Huwag palalampasin ang Regal Studio Presents tuwing Sabado, 8:30 p.m. sa GMA-7.
***
Patricia Tumulak, co-host ni Emil Sumangil sa bagong news magazine show ng GTV!
Isa ang Kapuso host na si Patricia Tumulak sa mga pumirma sa pinakamalaking contract signing ng GMA Artist Center kamakailan. Kabilang siya sa long list of artists na nanatiling loyal sa Kapuso Network.
Hindi naman ito pagsisisihan ni Patricia dahil bukod sa di siya nababakante sa mga acting role sa TV series ay mayroon pa siyang upcoming hosting project sa ilalim ng GMA Public Affairs. Ito ang news magazine na “Dapat Alam Mo!” na si Patricia ang magiging co-host ng beteranong news reporter na si Emil Sumangil.
Bilang news magazine ang show, combo ito ng news at lifestyle stories–“mahahalagang balita at mga makabuluhang kuwento”–say nga sa teaser nito.
Curious tuloy kami sa magiging chemistry nina Emil at Patricia. Magaling na host si Patricia while si Emil ay talaga namang subok na sa paghahatid ng balita.
Talaga namang hindi nauubusan ng bagong putahe ang Kapuso Network, ha! Mapapanood ang “Dapat Alam Mo!” soon sa GTV.
Congrats, Patricia! Looking forward kami sa new show mo na ito.
***
Dennis Trillo, nag-fan boy sa batikang direktor na si Bong Joon-ho!
Sulit ang naging pagdalo ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa 2021 Venice Film Festival dahil bukod sa nakahalubilo niya ang iba’t ibang direktor at Hollywood stars ay nakilala rin niya ang sikat na direktor na si Bong Joon-ho.
Kamakailan ay nagtungo ang Legal Wives actor sa Italy para sa premiere ng pinagbibidahan niyang pelikula na ‘On the Job: The Missing 8.’
Bukod sa dream come true ang nominasyon ng kanilang pelikula ay nakilala rin niya sa event ang idolo at direktor ng South Korean movie na Parasite na si Bong Joon-ho.
Sa kanyang Instagram post ay hindi naitago ni Dennis ang pagka-fanboy sa direktor at ibinida pa ang signed copy ng Parasite book niya, “Labyu tito Bong! Thank you for signing my book.”’
Samantala, tutukan ang mas tumitinding mga eksena sa primetime series na “Legal Wives,” tuwing gabi, sa GMA Telebabad.