Advertisers
Arestado ang mister ng Butuan City councilor sa drug buy bust operation sa South Montilla Boulevard ng Purok 4, Brgy. Diego Silang, Butuan city, Martes ng gabi.
Kinilala ang naaresto na mister ni Butuan City Councilor Rema Burdeos na si Rey George Burdeos, 54-anyos.
Sa ulat, pinangunahan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caraga, Butuan City Police Station 1 at Dinagat Island Police Provincial Office ang naturang operasyon.
Inihayag ni PDEA-Caraga spokesman Dindo Abellanosa na nahuli na nitong Oktubre 16, 2020 ang suspek sa operasyong isinagawa sa isang drug den sa Purok 2, Brgy. San Ignacio nito ring lungsod kungsaan kinasuhan ito ng paglabag ng Sections 7 at 12 sa RA 9165 kungsaan temporaryong napalaya nang makapagpyansa.
Nakuha sa posisyon ni Burdeos ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000, isang medium sized ng nasabing drug at 2 maliliit na sachets na tinatayang may timbang na 6.39-gramos at nagkakahalaga ng P36,000.00.
Mahaharap si Burdeos sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165.