Advertisers

Advertisers

Pekeng Police Major timbog sa pangingikil ng police applicants

0 261

Advertisers

Arestado ang isang babae na nagpapangap na isang police major sa inilatag na entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela at Highway Patrol Group (HPG) Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jebelyn Bungcag, 22 anyos, may asawa, at residente ng Barangay Turod, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala naman ang biktima na si Alexander Macapulay, Jr., 32, binata, aplikante ng pagkapusli, residente ng Lazam, Cagayan, pansamantalang nanunuluyan sa boarding house sa Villa Street, Barangay District 1, Cauayan City, Isabela.



Inihayag ni Police Major Rey Sales, team leader ng HPG Isabela na bago ang pagkakadakip kay Bungcag, unang dumulog sa CIDG si Macapulay nang madiskubreng nawawala ang kanyang motorsiklo madaling araw nitong Miyerkoles sa kanyang boarding house.

Agad na naghinala ang biktima na si Bungcag ang tumangay sa kanyang motorsiklo dahil bago ang insidente nagbigay ang biktima ng P15,000.00 sa suspect bilang bayad para makapasok ng PNP at AFP.



Natuklasang hindi konektado sa PNP at AFP si Bungcag.

Giit ng mga biktima na naengganyo sila sa matatamis na salita at pangako ni Bungcag na tutulungan silang makapasok sa PNP kapalit ng pera.



Nagkataon naman aniyang nakikipag-ugnayan pa si Bungcag sa biktima at kasamahan nitong aplikante rin para humingi ng karagdagan pang pera.

Dito na ikinasa ang entrapment operation ng CIDG Isabela, HPG Isabela katuwang ang Cabagan Police Station kung saan hindi na nakapalag pa si Bungcag nang kumagat sa transaksyon at positibong na sa kaniya rin ang nawawalang motorsiklo ni Macapulay.

Sa kasalukuyan, nasa kostodiya na ng Criminal Investigative and Detention Group Isabela ang suspek na maaring maharap sa patung-patong na kaso kabilang na ang motornapping at estafa.