Advertisers

Advertisers

Suporta kay Isko, dumagsa

0 605

Advertisers

MATAPOS na pormal na inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na tatakbo siya bilang pangulo sa 2022 presidential race, ay nagsimula ng dumagsa ang suporta sa alkalde, patunay dito ang pag-uunahan nang hindi mabilang na mga pulitiko at mga aspirante na makapanumpa sa kanyang partido na Aksyon Demokratiko na itinatag noong 1997 ng yumaong Senator Raul Roco.

Sinabi ni Moreno, sa isang panayam na, pinasasalamatan niya ang lahat at idinagdag na ang lahat ng uri ng suporta ay kanyang wini-welcome at umaasa na lalago pa ito pagdating ng araw ng botohan.

Labis na nagpahayag ng kasiyahan si Moreno sa mga pulitiko, maging sa mga abogado at pribadong grupo na hindi lamang nag-aalok ng tulong kundi nangako pa ng suporta at paniniwala sa kanyang mga polisiyang binanggit sa kanyang talumpati nang pormal na niyang ipinahayag ang kanyang kagustuhang tumakbo bilang presidente ng Pilipinas sa isang taon, kasama si public health advocate Dr. Willie Ong bilang kanyang running mate.



Kabilang sa mga nagbigay ng suporta sa Moreno-Ong tandem ay sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, House Deputy Speaker Vilma-Santos-Recto at former Senator Sergio ‘Serge’ Osmeña III, , kabilang din sina New Washington, Aklan Mayor Shimonette Francisco, Vice Mayor Kristian Peralta at ang buong partido nito.

Pinuri ni Recto si Moreno dahil sa “inspiring leadership” nito at ipinagtanggol din sa mga insulto mula sa Pangulong Rodrigo Duterte. Binigyang pagkilala din ni Recto ang ginawang pagtugon ni Moreno sa pandemya, ang mga hakbang at programang isinulong nito lalo na ang pagtatayo nito ng Manila COVID-19 Field Hospital sa loob lamang ng 52 araw, pati na ang implementasyon ng COVID-19 Food Security Program (FSP) na ayon kay Recto ay : “eclipsed the efforts of the national government.”



Bago ito, si Liberal Party stalwart at Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice kasam ang anim na Caloocan City councilors at dalawang iba pa ang sumapi na sa political party ni Moreno kung saan itinalaga bilang presidente ng Aksyon Demokratiko Caloocan Chapter si Erice.

Nitong Huwebes din ng hapon ay pinangunahan ni Moreno ang panunumpa ng ilang lokal na opisyal at iba pang bagong miyembro ng partido sa isang seremonyang ginawa sa Manila City Hall.



Kabiilang sa mga bagong nanumpa ay sina:
Marinduque Vice Gov. Romulo A. Bacorro Jr.,
Romblon Vice Governor Felix Ylagan,
Quezon Province Vice Gov. Sam Nantes at Betty Nantes,
Marinduque Board Member John R. Pelaez,
Laguna Board Members Rai Ann San Luis,Magtanggol Jose Carait,
Marinduque Board Member Gilbert L. Daquioag, Zambalez Board Member Keith Doble, Santa Maria, Laguna Mayor Ma. Rocelle Carolino, Sta. Cruz, Laguna Mayor Edgar San Luis,
Concepcion, Tarlac, Vice Mayor Joey Baluyut, Nagcarlan, Laguna Vice Mayor Rexlon Arevalo, Magdalena, Laguna Vice Mayor Pedro Bucal, Pakil, Laguna Vice Mayor Charles Vipops Martinez, Mabitac, Laguna Vice Mayor Angelito Valderrama, Sr., Majayjay, Laguna Vice Mayor Juan Ariel Argañosa, Jr.,San Jose, Batangas Vice Mayor Noel Virtusio , Calamba City Vice Mayor Ross Rizal, Oas, Albay Vice Mayor Reene Riofrio Raro, Angat, Bulacan Vice Mayor Reynante Bautista,
Malabon City Councilor Jasper Kevin Cruz at Malabon City Councilor John Anthony Parial Garcia. (ANDI GARCIA)