Advertisers

Advertisers

Covid update: 9,055 bagong kaso; 12,134 gumaling; walang patay

0 222

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 9,055 bagong kaso ng Covid-19 nitong Martes, Oktubre 5.

Sa ngayon, umabot na sa 2,613,070 ang naitalang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Sa kabila naman nito, nasa 103,077 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa.



May 12,134 namang naitala na bagong gumaling mula sa virus.

Pumalo naman na sa 2,471,165 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa covid-19 dito sa bansa.



Wala namang naiulat na nasawi dahil sa virus.

Kaya nananatiling nasa 38,828 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa covid-19.



Ayon sa DOH, nagkaroon kasi muli ng technical issue sa kanilang Covid Kaya system.
(Andi Garcia/Jocelyn Domenden)