Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na pormal nang pinagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal sa sangay ng ehekutibo na dumalo sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa P8 bilyong halaga ng mga biniling COVID-19 supplies sa kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, nilagdaan na ng Pangulong Duterte ang isang memorandum nitong Lunes, Oktubre 4.
Nakasaad sa memo na bawal nang dumalo ang mga opisyal ng ehekutibo sa mga pagdinig ng Senado.
Sa halip na gugulin ang oras sa Senado, pinapo-focus ng Pangulo ang atensyon ng mga opisyal sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.
Nakasaad pa sa memo na hindi na in aid of legislation ang ginagawa ng Senado bagkus ginagamit na ito sa pangangampanya ng mga Senador para sa susunod na eleksyon.
Nitong Martes, hindi na dumalo sa pagdinig si Health Secretary Francisco Duque III.