Advertisers

Advertisers

Pekeng bumbero timbog sa kotong sa QC

0 258

Advertisers

Inaresto ang nagpanggap na bumbero na nangikil sa mga negosyante kapalit ng pekeng fire safety inspection certificate.

Kinilala ang naaresto na si Manuelito Santos, 34; kasabwat na si Melvin Quizada, 45.

Isinagawa ang operasyon ng BFP QC at QC Police Station 3 sa Barangay Talipapa noong Biyernes.



Sa ulat, nagsumbong sa BFP ang may-ari ng isang Korean supermarket na hinihingan sila ni Santos ng P5,000 dahil sa biglaang inspeksyon.

Sinabing para umano ito sa pagre-refill ng kanilang fire extinguisher at mabigyan sila ng fire safety inspection certificate.

Nagpakilala ang suspek bilang isang FO1 Eric Arulfo at nakasuot ng naka-orange na uniporme at may dala pang ID.

Sinabi ni Fire Insp. Rowelle Yarcia, hepe ng investigation and intelligence branch ng QCFire District na noon pang sila nakatanggap ng reklamo sa mga establisimyentong nabibiktima ng pekeng bombero na nagbabanta ng penalty kapag may nakitang paglabag sa fire code.

Nakapagtala naman na ang BFP ng 10 katulad na insidente.



Kaugnay nito, nagbabala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko laban sa mga ganitong modus.