Advertisers

Advertisers

MSMEs magbabangon sa ekonomiya — Bong Go

0 308

Advertisers

Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa concerned government agencies na tulungan ang maliliit na negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang ayuda upang patuloy silang makalaban at makarekober sa dulot ng pandaigdigang pandemya.

Binanggit ang malaking kontribusyon ng micro, small and medium-sized enterprises sa bansa, sinabi ni Go sa kanyang video message sa relief effort sa micro-entrepreneurs sa Licab, Nueva Ecija na ang MSMEs ang pangunahing makinarya para makarekober sa krisis ang bansa.

“Backbone ng ating ekonomiya ang mga MSMEs. Masisipag at madiskarte sa buhay ang mga Pilipino. Kung mabibigyan lang sila ng tamang tulong at training, hindi malayo na mas lalago pa ang mga negosyo nila,” ani Go.



“Sana, maikonsidera ng mga ahensya ng gobyerno ito. Tulungan natin ang mga MSMEs na buhayin ang kanilang mga negosyo dahil sila rin ang bubuhay sa ating ekonomiya, lalung-lalo na ngayon na nasa gitna tayo ng krisis dulot ng COVID-19,” patuloy ng senador.

Bukod sa ibinigay na tulong ng tanggapan ni Go sa may 530 micro-entrepreneurs na isinagawa sa municipal gymnasium, namahagi rin ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development ng financial assistance bilang parte naman ng pagsisikap ng pamahalaan na maisalba sila sa epekto ng COVID-19 pandemic.



“Nung dumating ‘yung pandemya, halos lahat nawalan ng trabaho. Naghirap talaga ang buhay namin kasi wala kaming pagkukunan ng kita. Buti nalang, may maliit na tindahan ako at ito ‘yung nagsustento sa amin habang nag-uutang ang iba,” ang kuwento Jacinto Ramos, 58, a driver.

“Buong puso kaming nagpapasalamat kay President (Rodrigo) Duterte at Senator Bong Go at ikinatutuwa talaga namin ‘yung biyaya mula sa DSWD. Medyo naghihingalo na ang aking tindahan kaya gagamitin ko ang pera para makabili ng paninda para may extra income kami sa mga susunod na araw,” idinagdag niya.



Pinasalamatan ng senador sina 1st District Representative Estrellita Suansing, Governor Aurelio Umali, Vice Governor Emmanuel Umali, Mayor Eufemia Domingo, Vice Mayor Albert Caraang, gayundin ang mga miyembro ng Municipal Council sa kanila ring tulong at pagtugon sa mga problema na dala ng pandemya.

Nauna rito, nagsagawa ng relief effort ang grupo ni Go sa tinatayang 5,053 residente ng Bongabon noong October 13 hanggang 15.

Isinagawa ang lahat ng nasabing aktibidad na nasusunod ang health and safety protocols laban sa COVID-19.

Samantala, nagsagawa rin ang grupo ni Senator Go ng relief activity sa iba’t ibang vulnerable sectors sa Burgos, Ilocos Norte noong October 25 at 26 habang hiwalay na namahagi ng livelihood assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program Department of Social Welfare and Development.

Sa aktibidad na idinaos sa Burgos Agro-Industrial School, lubos na pinasalamatan ni Go ang DSWD sa mga tulong na ibinibigay nito para maibangon ang mga residente sa pamamagitan ng pagsisimula ng maliit na negosyo sa harap ng national health crisis. Hiniling ni Go sa 380 recipients na gamitin nang tama ang natanggap na livelihood grants para ipangsuporta sa kani-kanilang pamilya.

“Salamat po sa DSWD sa mga programa nilang pangkabuhayan. Sa pamamagitan ng iba’t ibang programang ito, mabibigyan ang mga nangangailangan ng puhunan, tuturuang magnegosyo, at tutulungang palaguin ito,” ani Go.

“Mas masarap nga naman ang pakiramdam kapag pinaghirapan at pinagpawisan ang pagnenegosyo sa tamang paraan. Dalhin ninyo ang kita sa inyong mga pamilya at gamitin ito nang tama para makaahon po tayo sa paghihirap na pinagdadaanan natin ngayon,” ayon sa senador.