Advertisers

Advertisers

Mandarambong protektado ni Martires!

0 658

Advertisers

DUMARAMI ang mga adik sa shabu sa bayan ng Balete, Batangas. Isinisisi ang mabilis na paglobo ng bilang ng mga lulong sa droga doon sa rebisahan ng jueteng ng magkasosyong alias Ocampo at Gigi sa Brgy. Sala sa naturang munisipalidad.

Dahil sa ang alkalde ng nasabing bayan at maging ang hepe ng lokal na kapulisan ay mistulang inutil ay napilitan ang mga residente na humingi ng tulong sa SIKRETA upang manawagan na aksyunan ang untouchable na drug/gambling den ng mga nabanggit na salot na ilegalista.

SALOT nga kung ituring sina alias Ocampo at alias Gigi sa may 13 barangay ng bayan ng Balete, Batangas, kaya naman ipinararating natin sa ating mga kaibigang sina Batangas Provincial Director, P/Col. Glicerio Cansilao at Provincial Intelligence Chief (S2), P/ Major Niel Gaspar ang mga kabulastugang ito na nagaganap “sa tungki lamang ng ilong” ni Balete Municipal Mayor Wilson Maralit at ng kanyang hepe ng kapulisan.



Huwag sana nating patagalin pa ito, para matahimik na ang mga nag-aalalang mga mamamayan ng nasabing munisipalidad.

SAMANTALA, ang mga mamamayang pinaglilingkuran at pinagkukunan ng kanyang sweldo ang mababalewala at magdurusa. Ang mapapaboran naman ay ang mga mandarambong na mga tauhan at opisyales ng gobyerno sa panukala ni OMBUDSMAN Samuel Martires na ipakulong at pagmultahin ang mga pribadong mamamayan na magkakamaling bumatikos sa kontrobersyal na Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga government officials.

Nagtataka ang SIKRETA kung bakit iilan lamang sa mga katoto natin ang nagpahayag ng kanilang pagtutol at pagkadismaya sa panukalang ito ng inaakala nating kagalang-galang na pinakamataas na pinuno ng tanggapan ng Ombudsman.

Pakiramdam din natin ay “kinakanlungan” lamang ni Martires na huwag mabulatlat ang SALN ng amo at nagtalaga sa kanyang pwesto na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila ng kaliwa’t-kanang panawagan na ilantad ni Digong ang kanyanmg SALN, ay napakahigpit naman ang pagtanggi nitong isapubliko ito, di pumayag ang pangulo na malaman ng mga mamamayan kung magkano talaga ang kinita nito bago at matapos na maluklok bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.



Taliwas ang ginagawa ni Digong sa naging aksyon ng halos lahat na mga government officials.

Lahat na nanunungkulang public official ay nagdeklara ng kanilang SALN, ang iba pa nga, tulad ni Ex-Supreme Court Justice Renato Corona na napatalsik sa kanyang puwesto dahil sa inaakalang depektibong nitong deklarasyon sa kanyang SALN.

Kung kailan malaon nang namayapa ang mabunying mahistrado ay saka lamang napatunayang inosente at wala itong (Justice Corona) kasalanan sa bintang laban sa kanya at naging biktima lamang ito ng political persecution ng pamahalaang Simeon “Noynoy” Aquino III. Ang masakit nito ay lumilitaw na nabayaran at mukhang kasabwat pa ni Pangulong Pinoy ang ilang mga senador.

Sa pagpapanukalang ito ni Martires ay biglang napabalikwas noon pa man ang kahuntahan nating si Lolo Juan na isang retiradong mamamahayag.

“Timaaan ng magaling iyang si Martires na yan, malayong-malayo ang galing mo at husay sa idolo kong basketbolistang si Yoyong Martires, wala ka marahil sa iyong katinuan”, ang may pagkadismayang pahayag ng matanda.

“Dapat na magbalik ka sa pag-aaral ng batas sa kolehiyong iyong pinagtapusan, binaligtad mo ang batas, kahihihiyan ka ng San Beda Law College”, ito ang mariing pahayag pa ni Lolo Juan.

Ilang araw lamang ang nakararaan ay nagkaroon ng kapanalig si Lolo Juan sa katauhan ni dating COMELEC Chairman Christian Monsod na nagsabing maling-mali nga ang interpretasyon ni Martires sa mandato ng kanyang tanggapan.

Ipinagdiinan ni Monsod na di lang magaling at batikang manananggol kundi isa rin sa nagbalangkas at umugit ng 1987 Constitution, na si Martires ay nakaupo bilang Ombudsman para protektahan ang mga mamamayan at hindi ang mga government officials.

Maliban kay Lolo Juan at Atty Monsod ay napakarami pang reaksyon ang nakalap ng SIKRETA sa mga mamamayan na taliwas sa panukala ni Martrires.

“Dapat makasuhan yan si Martires pag wala na sa palasyo ang Davao group, the Evil group in this government”.

***

Para sa inyong komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com