Advertisers
“What comes around, goes around’!
Kasabihan sa wikang Ingles patungkol sa mga ginawa mo dito sa lupa.
Kung kabutihan ang ipinunla mo, naturalmente, kabutihan rin ang iyong aanihin.
Same goes to Olivarez siblings, Mayor Edwin and Congressman Eric!
Dahil ipinakita at pinatunayan ng magkapatid na ito ang kanilang unconditional LOVE at pagmamalasakit sa kanilang mga kababayang Parañaquenos, sinusuklian naman ang mga ito ng pagmamahal at respetong hindi kailanman mabibili ng salapi.
Day in and day out lalo na noong kasagsagan ng pandemya, di kinakitaan ng takot si Mayor Edwin at Cong. Eric na lumabas at magbabad sa kanilang mga constituents upang ang mga ito ay damayan at tugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Isang tradisyunal na kaugalian ng pamilya Olivarez na minana pa nila sa kanilang Patriach, Mayor-Kap Pablo Olivarez.
May ilang dekada na bang naglilingkuran bilang tapat na “servants”ang pamilya Olivarez sa mga mamamayan ng lungsod ng Parañaque?
Sa hirap o ginhawa, kaagapay ng mga Parañaquenos ang pamilyang ito.
All seasons ay nakatutok sila sa kanilang responsibilidad bilang lingkod bayan ng kanilang mga mamamayan.
No wonder, kahit pa nga mga kalaban sa pulitika ng pamilya ay nagsawa na ring sila ay labanan sa eleksyon.
Paano mo nga naman lalaban ang isang Edwin at Eric Olivarez na naging second nature ang maglingkod ng tapat at buong kasipagan sa kanilang mga nasasakupan?
Kahit sinong Poncio Pilato ay hindi magtatangkang bumangga sa isang moog na pader!
Ang estado sa pulitika ng pamilya Olivarez d’yan sa Parañaque ay pinanday ng mahabang taon ng tapat, masigasig at may pusong paglilingkod sa mga ordinaryong tao.
Kapakanan at kabutihan ng kanilang mga constituents ang palagian nang nasa prayoridad ng magkapatid.
At ngayong ngang May 9, 2022 elections, tumatakbong unopposed si Eric Olivarez para alkalde ng lungsod ng Parañaque samantalang si Kuya Edwin naman ay wala ring katunggali sa pagka-Kinatawan (Congressman) sa Unang Distrito ng siyudad.
Malinaw na “continuity sa dekalidad at may pusong pamamalakad ang ginugusto ng mga Parañaquenos na alam na alam nilang tanging ang mga Olivarez lamang ang kanyang magkaloob ng walang pag-aatubili.
Nakakainggit ang mga taga-Parañaque sa pagkakaroon ng mga katulad nina Kuya Edwin, Cong. Eric at ng entire Olivarez clan na laang magsilbi sa mamamayan ng tapat at dalisay.
Nakakatiyak ang mga Parañaquenos na sa mga susunod pang mga taon ay mananatiling nasa paglingap at pag-aaruga sila ng pamilyang may di matatawarang malasakit sa kanila.
Mabuhay ang Parañaque!
Mabuhay ang mga Olivarez at ang mga kasama nilang true-blue public servants!
Kudos to all of you gentlemen and ladies!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.