Advertisers
INIREKOMENDA ng Philippine Medical Association (PMA) sa mga magulang na huwag munang isama sa mall ang mga bata na may edad 11 pababa.
Ito ay kasunod ng napaulat na 2-taong gulang na bata na nagpositibo sa covid-19 matapos pumunta sa mall.
Ayon kay Dr. Benito Atienza, Presidente ng PMA, kahit pa niluwagan na ang quarantine restrictions at bumababa na ang covid cases ay hindi pa rin dapat dinadala sa mall ang mga bata lalo na hindi pa sila bakunado.
“Wala pang available na bakuna sa kanila. Ang kailangan ay dalhin sila sa mga park, may social distancing,” payo pa ni Dr. Atienza.
Magugunitang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government units na magpasa ng ordinansa na nagtatakda ng travel restrictions sa mga bata.
Ang Metro Manila ay nasa alert level 2 hanggang Nobyembre 30. (Jonah Mallari)