Advertisers
NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 975 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Huwebes, Nobyembre 25.
Batay sa case bulletin #621 na inilabas ng DOH, nabatid na umaabot na sa 2,829,618 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang kabuuang bilang, 0.6% na lamang o 17,796 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga active cases naman, 52.7% ang mild cases, 21.49% ang moderate cases, 14.4% ang severe cases, 6.0% ang critical cases at 5.4% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit.
Mayroon din namang 1,029 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,763,947 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.7% ng total cases.
Mayroon pa rin namang 193 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.
Sa kabuuan, nasa 47,875 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.69% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)