Advertisers
BAGAMAN patuloy na sinasabi ng gobyerno ni Rodrigo Duterte na hindi nito kinikilala ang International Criminal Court (ICC) dahil tumiwalag na ang Filipinas sa pandaigdigang hukuman noong 2019, hindi maiwasan na maipit si Karlo Nograles, ang pansamantalang tagapagsalita sa Palasyo, dahil pilit siyang nagsasalita sa proseso.
Kamakailan, sinabi ni Nograles na maaaring sumagot ang gobyerno ni Duterte sa mga bintang na hindi na gumagalaw ang sistema ng katarungan ng bansa upang habulin at parusahan ang mga salarin sa paglabag sa karapatang pantao sa mga biktima sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga. Ngunit may pasubali si Nograles. Hindi nangangahulugan ang pagsagot na tinatalikuran ng gobyerno ni Duterte ang pagtiwalag ng gobyerno nia sa ICC noong 2019 at kinikilala ni Duterte ang proseso ng ICC.
Mistulang nakikipag-usap sa kapwa niya taga-Davao City si Nograles. Oo pero hindi pala. Ayaw tumanggap ng pananagutan ang gobyerno ni Duterte sa anumang nais sabihin sa ICC. Hindi ganito magsalita ang sinumang maginoo.
Bakla ang pahayag ni Nograles. Alanganin. Hindi naiintindihan ang ganitong pahayag. Sa ayaw at gusto ni Nograles, kikilalanin ng gobyerno ni Duterte ang ICC kahit tumiwalag na ito dahil sa mga nangyayaring akusasyon na hindi na gumagana ang anumang prosesong pangkatarungan upang habulin ang mga maysala sa mga patayan.
Patuloy ang mga international human rights group sa kanilang kampanya na ituloy ng ICC ang formal investigation kay Rodrigo Duterte at mga kasapakat tulad ni Bato dela Rosa, Jose Calida, Dick Gordon, Alan Peter Cayetano, Vitaliano Aguirre, at iba pa. Sinuspindi ng ICC ang imbestigasyon dahil hiniling ni Duterte, sa pamamagitan ng sugo ng Filipinas sa The Netherlands, ang suspensyon upang magbigay daan sa imbestigasyon sa 52 kaso.
Hindi alam ng gobyerno ni Duterte na dahil sa paghiling, kinikilala na nito ang proseso ng ICC kahit tumiwalag ito noong 2019. Ito ang palaging sinasabi ni Harry Roque noong siya ang tagapagsalita ng Palasyo. Bakit nag-iba si Nograles?
Hindi maaaring paghambingin si Roque at Nograles. Mas mahusay na manananggol si Nograles kesa kay Roque na walang napabalitang nanalo kahit isang kaso. Hindi sineseryoso si Roque. Kinilala si Nograles sa kalidad ng mga naipasang batas na kanyang inakda.
***
HINDI balita kung sumama si Erap Estrada sa koalisyon ng Marcos, Duterte, at Arroyo. Mahigit 80 anyos na si Erap at malamang umiihi na sa salawal. Wala dahilan upang ipagbunyi ang kanyang pagsama sa koalisyon na Magnanakaw Inc.
Nakakasama ang balita sapagkat kinukumpirma na nagsama-sama sa wakas ang mga pamilyang mandarambong. Sila ang mga pamilya na walang dapat ikarangal. Hindi sila dapat binibigyan ng seryosong pansin upang patuloy na maghari sa bansa.
***
NAKAKAPUKAW damdamin ang sinabi ng aming kaibigan Roly Eclevia tungkol sa usapin ng pagpasok ng mga Intsik sa Ayungin Shoal na nakapaloob sa exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas. Basahin:
We don’t keep military
to fight only battles it can win
The AFP sends rickety fishermen’s boats to resupply military personnel in Ayungin Shoal in the West Philippine Sea.
It thus makes it easy for the Chinese Coast Guard to interdict the mission.
Why couldn’t the AFP do the task itself?
The high command says it does not want to escalate the tension by sending military vessels to the area, an explanation that could only be interpreted it is afraid of being fired upon, or its ships being boarded, by the Chinese
The AFP should not allow a foreign country to prevent it from carrying out its mission.
A military organization that can be intimidated by mere threats will abandon its troops rather than rescue them if they come under attack.
Clearly, the Sierra Madre, where Filipino soldiers have been purposely marooned to reinforce the country’s sovereignty, falls within the Philippine exclusive economic zone under the UN Convention of the Sea.
If the Chinese should start a shooting war in what is clearly Philippine territory, then the AFP should fight, and it does not matter if it goes down in defeat. That is what is expected of it, to protect the country’s honor, if it cannot protect its sovereignty, and die if necessary in the process.
A country does not keep a military organization to fight only battles it can win.
***
MGA PILING SALITA: “Isko has somehow mellowed down. Ping is dry. Pacquiao does his jabs with obvious reluctance. Bong Go is oblivious of Purgatory. They’ll eventually disappear from the limelight. By switching parties and allegiance. By selling their shallow convictions. They’ll puff in the grace of time.” – Jed Q. Cepe, netizen
“Sol-Gen. Jose Calida wants to travel to Oslo to receive the Nobel Prize on Maria Ressa’s behalf.” – Ruben Malabuyo, netizen
“Hindi po drugs ang problema ng mga kandidato kundi pagnanakaw, pang aabuso, at pagpapagamit sa makakapangyarihan at dayuhan.” – Teddy Casino, Bayan Muna Party List
“CERTAIN candidates did not finish their college education because of circumstances. They were either too poor to study, or preoccupied with many things to earn a living. BBM did not finish college either because he did not have the brain power nor the will and determination to finish it. Poverty of means was not on his side. What he had was the poverty of logic.” – PL, netizen