Advertisers
PLANONG magtayo ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno ng isang center para sa cancer.
Binunyag ni Moreno ang plano sa isang meeting kasama ang mga barangay leaders, youth groups, senior citizens at mga residente ng Taguig at Pateros, kung saan winlecome siya nina Taguig Mayor Lino Cayetano at Pateros Mayor Ike Ponce.
Ayon kay Moreno, siya at ang kanyang runningmate na si Doc Willie Ong ay napag-usapan na ang pagtatatag ng cancer center sa oras na sila ay manalo sa 2022 elections. Ang nasabing center ay magiging kumpleto ng mga facilities at equipment na karaniwan ng ginagamit ng mga cancer patients.
Pinasalamatan ng alkalde sina Cayetano at Ponce sa pagpapaliwanag kung bakit nararapat siyang (Moreno) ihalal bilang pangulo sa susunod na anim na taon.
Si Cayetano sa partikular ay sinabi na bagama’t mahal niya sa President Duterte at siya ay certified DDS (die-hard Duterte supporter), nakikita niya kay Moreno ang uri ng pamumuno na kailangan ng bansa upang mailigtas ang mga Filipinos sa tiyak na kapahamakan na dala ng patuloy na pag-iral ng pandemya.
“Certified DDS ako, mahal ko ang Pangulo pero nitong dalawang taong ito kasama ko taong ito kung paano naming i-debate ang DSWD, DOH, DILG para sa inyo. Nakikita ko kay Yorme ang nakita ko sa Pangulo nung 2016,” sabi ni Cayetano na pinuri din ang mga hakbang ni Moreno sa pakikipaglaban kontra illegal drugs.
“Kaninang umaga pumapalakpak ako nadinig ko sabi ni Yorme ipagpapatuloy niya ang laban sa droga. Tayo kasi alam natin ‘’yung problema. Hindi pa ito endorsement ha, pagpapakilala lang sa kaibigan at saka kung ano ang kailangan nating gawin kung mahal natin mga kababayan natin. Kailangan natin ng taong naiintindihan ang problema natin,” Cayetano added.
Binigyang diin din ng Taguig mayor na nang magkaroon ang bansa ng mayor bilang pangulo sa kaso ni Duterte, naiintindihan niya ang problema at idinagdag na : “Pinaguusapan pa din pagganda ng ekonomiya pero ang droga, kaliwa’t- kanan. Kailangan natin ‘yung mayor na alam ang problema ng mga kababayan natin…’ yung magaling na mayor na may dalang solusyon.”
Nagpahayag din ng paghanga si Cayetano kay Moreno dahil sa tapang at pagiging matigas nito kung kinakailangan; sa patuloy na commitment nito sa war on drugs ni Presidente Duterte sa pamamagitan ng pag-aresto at pagkulong sa mga involved sa drugs; sa pangangalaga sa mga small businessmen at sa mabilis na pagtugon sa suliranin ng Maynila ilang buwan lamang mataopos na maupo bilang alklade.
“Akala ko mabilis na ko eh. Nakita ko unang linggo, unang buwan lalo ko napahanga nung makita ko siya nung pandemya. Kailangan natin ‘yung hindi takot sa COVID. Ano mangyayari sa ‘tin kung takot ang mamumuno?” sabi pa ni Cayetano .
Sa kanyang bahagi , hindi lamang pinasalamatan ni Moreno sina Cayetano, Ponce, mga lider nito, opisyal at nasasakupan na mainit siyang tinaggap, tiniyak din nito na ang mabilis na pagtugon sa mga suliranin sa Maynila lalo na sa pandemya ay maaaring ulitin sa buong bansa.
Ipinangako ng Aksyon Demokratiko presidential candidate na bibigyan niya ng gobyerno ang mamamayan ng bansa na sensitibo sa mga hinaing ng lahat ng mamamayan nito.
“Gobyernong me tenga, hindi bingi, hindi bungol. Kailangan natin ang bilis- kilos para maka-recover agad,” sabi ni Moreno. (ANDI GARCIA)