Advertisers

Advertisers

Palawakin ang saklaw ng Scholarship Program ng pamahalaan

0 464

Advertisers

ALAM nating lahat na sobrang dami ng mga mahihirap na pamilya sa ating pinakamamahal na bansa.

Ang kahirapang ‘yan ang pangunahing dahilan kung bakit napakaraming kabataan ang hindi nakatutuntong sa kolehiyo.

Walang magawa ang mga batang hindi makapag-enroll sa kolehiyo.



Ang nangyayari ay napipilitang magtrabaho ang mga bata.

Sa pagtatrabaho naman, napipilitan silang tanggapin ang trabaho kahit napakababa ng suweldo.

Mayroon namang mga bata ang nakapagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil lahat ng diskarte ay ginagawa nila upang mapag-aral lamang kanilang mga anak sa kolehiyo.

Kapansin-pansin na mistula nilang gawing araw ang gabi kumita lang ng kailangang pera.

Pokaragat na ‘yan!



Subalit, maraming pagkakataong kapos pa rin ang kanilang kita.

Marami akong nababalitaang ganyan.

Ang iba sa kanila ay mga kamag-anak ko.

Mayroon namang mga magulang na sabihin nating ‘pinalad’ na makakuha ang kanilang anak na makakuha ng Scholarship Program sa pamahalaan, kaya nagkapag-aaral.

Maraming organo ng pamahalaan ang nag-aalok ng Scholarship Program tulad ng Department of Science and Technology (DOST) at Commission on Higher Education (CHED).

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay walang programa ukol sa scholarship ng mga bata.

Ang alok nila ay tulong-pinansiyal sa mga nag-aaral na mga batang kabilang sa mahirap na pamilya.

Kung ‘di ako nagkakamali, P2,000 hanggang P5,500 ang tulong DSWD.

Wala raw silbi ang mga sangay ng CHED sa mga lalawigan.

Mayroon namang mga pamahalaang lokal ang nagbibgay ng suportang pinansiyal para sa pag-aaral sa kolehiyo ng mga batang nakapaloob sa pamilyang mahirap.

Sa pangkalahatan, magandang pakinggan dahil mayroong tinatawag “goverment intervention” bilang lunas sa suliranin ng maraming mga magulang ukol sa pagpapaaral sa kanikang mga anak.

Ngunit, kung pag-aaralang mabuti ay matutuklasang hindi totoong maganda ang mga Scholarship Program.

Ito’y dahil limitado lang sa isang anak ang programa.

Kaya, kung dalawa o mas marami pa ang anak ng pobreng mag-asawa ay isa lang ang sagot ng pamahalaan sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

Pokaragat na ‘yan!

Ganito ‘yan : kapag iskolar ng pamahalaang lokal ang isang anak, hindi na kuwalipikado ang ibang anak.

Pokaragat na ‘yan!

E, pare-pareho naman silang mga anak ng mga magulang nilang mahihirap.

Pokaragat na ‘yan!

Kaya, posibleng mangutang na lang ang magulang para lamang makapag-aral ang iba pang anak na hindi kuwalipikado sa Scholarship Program.

Kahit tulong-pinansiyal ng DSWD ay itsapuwera ang mga batang anak ng isang kahig isang tuka.

Uulitin ko po, walang pakialam ang CHED!

Kawawa naman po!

Mayroong nakarating sa BIGWAS! na ganyan ang naging kapalaran Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Lord Allan Jay Velasco.

Maaari bang magpasa ng panukalang batas ang Kongreso bago matapos ang inyong termino na magbabago sa depektibong Scholarship Program?

Kailangang baguhin ang limitadong Scholarship Program upang pakinabangan ng higit na maraming mga anak ng mga pamilyang mahihirap.