Advertisers
ISANG 40-anyos na babae na patungo sa Cotabato ang inaresto ng PNP Aviation Security Group (ASG) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 matapos tangkaing magdala ng undocumented improvised firearm noong Lunes Hulyo 7, 2025.
Sinabi ng pulisya na habang idinadaan sa x-ray scanning machine ang ipinagbabawal na bagay na inilagay sa loob ng check-in baggage ay nakita sa tv monitor ang kakaibang hugis na nakatago sa loob ng interior na gulong at nakabalot sa plastic.
Ang isang manu-manong inspeksyon , natuklasan na ito ay isang improvised firearm na potensyal na may kakayahang maglabas ng .22-caliber ammunition, kung saan ang pasahero ay nabigo na magbigay ng legal na dokumento.
Ang pasahero ay inaresto ng mga operatiba ng PNP AVSEGROUP dahil sa paglabag sa Republic Act 10591, o mas kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Mariing itinanggi ng pasahero na hindi siya ang may-ari ng baril kundi pinakiusapan siya ng isang kamag-anak na dalhin ang nasabing gamit sa kanilang probinsya. Ang naarestong pasahero kasama ang nakumpiskang Security Risk Item (SRI), ay inilagay sa kustodiya ng NAIA Police Station 2 para sa dokumentasyon at paghahanda ng kaukulang kaso.
Pinaalalahanan ni PBGen Jason L Capoy, Acting Director ng PNP-ASG ang publiko na ang pangunahing priyoridad ng kapulisan ay ang pagtiyak ng ligtas na kapaligiran sa paliparan. (JOJO SADIWA)