Advertisers

Advertisers

ZTL PANGUNAHING SAKSI SA IMPEACHMENT TRIAL NI MISFIT SARA (Pangalawa at huling bahagi)

0 110

Advertisers

PANGUNAHING saksi si Zuleika T. Lopez, o ZTL, sa impeachment trial ni Misfit Sara. Sa ayaw o gusto ni Misfit Sara, haharap si ZTL sa Senate impeachment court upang magpaliwanag sa kapalaran ng P612 milyon na confidential fund na ipinagkatiwala at ibinigay ng Kongreso kay Misfit Sara bilang pangalawang pangulo at kalihim noon ng Deped. Hindi matatapos ang isyu ng P612-M na confidential fund hanggang hindi nagpapaliwanag si ZTL.

Si ZTL ang chief of staff ni Misfit Sara sa Office of the Vice President (OVP). Dinala siya ni Misfit Sara sa Deped upang magsilbing CoS at alter ego sa Kagawaran. Labis na makapangyarihan si ZTL. Binigyan siya ni Misfit na blanket authority upang magdesisyon para sa kanya. Imposible na wala siyang alam sa P612-M tulad ng ipinagmamagaling niya sa komite ni Kin Joel Chua ng Maynila noong nakaraang taon. Bahagi siya ng pagkawala (o pandarambong) sa napakalaking halaga ng salapi bayan.

Sino si ZTL at bakit siya lubhang makapangyarihan upang magdesisyon sa ngalan ni Misfit Sara? Ipinanganak sa Davao City si ZTL. Kabilang siya sa tribong Bagobo (isa mga tribung Lumad sa Mindanao. Anak siya ng abogadong si Jose Lopez at pamangkin siya ng dating Kin. Elias Lopez ng Davao City. Abogada si ZTL.

Unang trabaho ang information officer ng University of the Philippines Mindanao. Hinirang siya noong 2007 bilang council secretary ng Davao City Council. Noong 2010, hinirang siyang City administrator ni Misfit Sara nang nahalal siya alkalde ng siyudad. Ngunit tumanggi ang amang si Gongdi na noong ay bise alkalde ni Misfit Sara (nagpalit sila ng puwesto dahil sa term limit). Ikinatwiran ni Gongdi na hindi kuwalipikado si ZTL dahil wala pa itong kinakailangang karanasan batay sa Local Government Code upang maging city administrator.

Ipinaglaban siya ni Misfit Sara at nabalik sa puwesto ng City Administrator kahit bilang “acting commissioner” at nanatili siya sa ganitong kapasidad hanggang natapos ang termino ni Misfit Sara nong 2013. Naging ganap na City Administrator si ZTL nang muling nahalal na alkalde si Misfit Sara noong 2016 at nanatili siya sa puwestong iyong hanggang natapos ang termino niya noong 2022.

Nang nahalal na bise presidente noong 2022, dinala ni Misfit Sara si ZTL upang maging kanyang CoS. Naging CoS din siya ni Misfit Sara ng pinili ni BBM bilang kalihim ng Deped. Kaya hindi ordinaryo ang kaugnayan ni ZTL kay Misfit Sara. Masasabing kakaiba ang uri ng kanilang relasyon. Maraming espekulasyon ngunit masasabing magkakabit ang kanilang mga bituka at hindi ito basta mapuputol.

Sa sandaling matuloy ang paglilitis kay Misfit Sara ng Senado bilang hukuman, hindi kami magtaka na ipatawag ng Prosecution Panel si ZTL bilang “hostile witness” na magpapaliwanag sa kapalaran ng P612-M na confidential fund. Nakikita namin na papaikutan ng maraming tanong si ZTL. Tulad ng mga ibang opisyales ng gobyerno na galing Davao City, hindi kagalingan si ZTL. Ito ang labis na kinatatakutan ni Misfit Sara. Hindi niya kontrolado ang sitwasyon kung sakaling maging saksi si ZTL.

Ito ang dahilan kaya protektado ni Misfit Sara si ZTL – labis-labis. Gagawin niya ang lahat upang hindi humarap sa anumang forum si ZTL. Batid niya na nakatali kay ZTL ang kanyang kinabukasan. Maraming alam si ZTL. Siya ang pangunahing saksi sa lahat na kalokohan at katarantaduhan ni Misfit Sara sa pera ng bayan.

***

ISANG malaking kagaguhan at kabulastugan ang resolusyon ni Robin Padilla na isinumite niya sa Senado upang hingin sa ICC na ibalik si Gongdi sa Filipinas. Walang lumagda at sumuporta kundi ang kamukha niyang hibang at wala sa katinuan ng pag-iisip na sina Bato dela Rosa at Bong Go. Hindi nagkaroon ng interes ang ibang senador.

Hindi namin alam ang dahilan ni Robin at pinilit niya ang resolusyon. Dati na itong ibinasura ng nakaraang Kongreso at muling binuhay sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso noong ika-30 ng Hunyo. Tulad ng naunang resolusyon, tahasan namin sinasabi na muling maibabasura ito. Isa lang ang dahilan sa muling pagbuhay sa resolusyon. Gusto lang ipakita ni Robin na tapat siya kay Gongdi kahit pagtawanan at kutyain siya. Wala siyang kadala-dala.

Kunsabagay, hindi siya biyayaan ng kahit kaunting talino at galing upang maging mambabatas na maaaring pagkatiwalaan at asahan. Pipitsugin at patapon si Robin – iyang ang malinaw. Walang maaasahan kay Robin. Maituturing na bakante ang kanyang inuupuan sa Senado. Tulad ng ibang tanga, hindi alam ni Robin na tanga siya at pinagtatawanan na madla.

Hindi ibabalik ng ICC si Gongdi. Kasalukuyan nasa ilalim ng proseso ng ICC si Gongdi. Mababalik lang siya sa Filipinas kung mahatulan si Gongdi na walang kasalanan sa mga bintang na crimes against humanity sa kanya. Maraming ipinapatay si Gongdi noong siya ang pangulo ng bansa. Hayaan natin na matapos ang proseso.