Advertisers

Advertisers

LIDERATONG “MAPANLIKHA”

0 18

Advertisers

NOONG Lunes, Setyembre 28, lumagda sa isang ‘tripartite agreement’ ang Bureau of Customs (BOC), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) para sa mas epektibong pagpapatupad ng RA 120222 (Agricultural Economic Sabotage Act of 2024), na nag-amyenda naman sa RA 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016).

Sadyang kailangan na maglaan ng panahon si Customs Commissioner Ariel Nepomuceno sa ganitong mga kasunduan dahil sa ating nakaraang kolum, ipinunto natin na “sablay” ang RA 12022.

Ang batas na ito ay pagpapatunay na hindi kailangan na paramihan ng probisyon at hindi paramihan ng matatalinong mambabatas sa Kongreso at Senado para makagawa ng isang “matinong” batas na tutugon sa isang partikular na malaking problema ng bansa, katulad ng problema natin sa smuggling.



Eh, paano nga ba naman kasi, BOC ang pangunahing ahensiya sa paglaban sa smuggling pero sa binuong ‘Super Council,’ ‘Advisory Board’ at sariling ‘Enforcement Group’ ng RA 12022, HINDI kasama ang Bureau of Customs!

Kung isang “armas” ang RA 12022 upang “paslangin” ang “halimaw” ng smuggling, eh, hindi siguro mangyayari, dahil ang ‘silver bullet,’ ang Bureau of Customs, ay hindi kasama sa mga “bala” na gagamitin, hays!



Sa nangyari, hindi na tayo magtataka kung gumawa at magpasa rin ng batas ang Kongreso laban sa iligal na droga pero sa implementasyon, hindi kasama ang PDEA, hehehe, ayy, huhuhu!

Dahil ito ang reyalidad at siwasyon sa ngayon—sablay, mahina at depektibo ang RA 12022– “suwerte” pa rin ang administrasyon at isang Ariel Nepomuceno ang itinalagang customs commissioner ngayon.



“Suwerte” tayong lahat, kung tutuusin, dahil kasama sa napakarami niyang abilidad ay ang pagiging “mapanlikha” sa kanyang pamumuno.

‘Yun bang… sa halip hintayin na ayusin ng Kongreso ang mga depekto ng batas, gumagawa siya ng sariling pamamaraan upang gawing “matalas” ang isang “mapurol” na instrumento na ibinigay sa kanya ng gobyerno.

Mabuhay ka at keep on doing the good work, Comm. Ariel at harinawang sa 2028, President BBM, beke nemen…hehehe!