Advertisers

Advertisers

Chris Cahilig ng Puregold CinePanalo Film Festival bilib sa Pinoy filmmakers, nagpasalamat kay Puregold President Vincent Co

0 24

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

LALONG naging exciting ang ikatlong taon ng Puregold CinePanalo Film Festival 2026. Base sa mga napanood namin mismo sa Gateway Cineplex at mga nasagap an balita, pawang magaganda ang mga entry at puno ang maraming sinehan sa nasabing film fest.

Congrats sa mga nasa likod nito lalo na sa Festival Director ng Puregold CinePanalo Film Festival na si Chris Cahilig.



Ayon kay Direk Chris, hindi niya akalain na ang isang konseptong ganito ay buong pusong susuportahan ng isang grocery chain na minamahal nating mga Filipino.

“Nagsimula ang Puregold CinePanalo sa isang malikot na idea. Paano kung gumawa ng film festival ang isang grocery chain? Noong unang inilunsad namin ito, marami ang hindi naniwala, marami ang nagduda, marami ang nagtanong kung seryoso ba talaga kami. Pero sumugal ang Puregold, sumugal sila sa isang festival na noon ay idea pa lamang dahil naniwala sila sa kakayahan at husay ng Filipino filmmakers. Naniwala sila na kapag binigyan natin ng pagkakataon ang mga kuwentong Filipino, kaya nilang makipagsabayan, kaya nilang tumawid sa mga hangganan at kaya nilang marating ang mga lugar na hindi natin inaakalang mararating…”



Ang nangunguna sa listahan ng pinasalamatan ni Direk Chris ay ang President ng Puregold na si Mr. Vincent Co, Ms. Ivy Piedad, ang mga hurado at selection committee, at marami pang iba.

Ipinagmamalaki ni direk Chris ang mga entry dito, patunay kung gaano siya kabilib sa mga Pinoy filmmakers. Masayang-masaya rin siya sa success nito.



Masayang pahayag niya, “Nakagugulat lalo na rito sa Gateway, iyong first screening marami na ang nanood, almost sold out na. Parang ngayon ang hirap na talagang makabili ng ticket, ang dami talagang tao for a Wednesday, you know na opening screening.

“I know mas maraming gustong manood, so it’s very overwhelming, maraming salamat sa Puregold dahil ang dami nilang paganap.”

Narito ang mga pelikulang kabilang sa Full-Length Category ng Puregold CinePanalo 2026:

“Apol of My Ai,” director: Thop Nazareno, starring: Zanjoe Marudo, Zion Cruz, at Rochelle Pangilinan; “Beast,” director: Lawrence Fajardo, starring: John Arcilla; “Mono No Aware,” director: BC Amparado, starring: Juan Karlos Labajo at Perry Dizon; “Multwoh (Patay Na Patay Sa’yo),” director: Rodina Singh, starring: Sassa Gurl at Joao Constancia; “Patay Gutom,” directors: Carl Papa at Ian Pangilinan, starring: Khalil Ramos, Ian Pangilinan, Agot Isidro, at Cris Villanueva; “Stuck on You,” director: Mikko Baldosa, starring: Xyril Manabat at River Joseph; at ang “Wantawsan,” director: Joseph Abello, starring: Joross Gamboa, Rita Daniela, at Zion Cruz.

Ang student shorts category ay may 19 na entry na sadyang kaabang-abang.

Ang ticket ay mabibili sa ?250 regular at ?200 discounted. Ang ?2,000 festival pass ay nagbibigay sa mga moviegoers ng paraan para mapanood ang buong line up ng 26 na entry, habang ang mga PWD, senior citizen, estudyante, pambansang atleta, at mga cardholder ng Aling Puring at Perks ay kuwalipikado para sa mga may diskuwentong tiket.

Nagsimula noong September 23, ang filmfest ay tatagal hanggang October 4.

Ito’y mapapanood sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, at Market! Market!