Advertisers

Advertisers

ATTN. PNP: LANSAGIN ANG LENDING SCAM SA SOCMED

0 16

Advertisers

GRABE na ang lakas loob ngayon ng mga cyber criminals na walang habas na nambibiktima ng mga pobreng kababayan nating kumakagat sa pain ng mga demonyo gamit ang social media partikular sa facebook

Marami na ang nagpaabot ng reklamo sa inyong ka-uppercut tungkol sa modus operandi ng mga kampon ng satanas sa socmed tulad ng sila daw ay isang legit na kumpanyang nagpapautang nang malaking halaga na ang requirement lang at personal information , isang ID lang at pronto ay qualified na umano sa mga piling mapagkakalooban ng loan na puwedeng bayaran kada buwan sa mababang halaga hanggang tatlong taon.

Marami ang kumakapit sa pakulo na iyon na mga potensyal magiging bikima ng scam ng mga hayup na budul-budol online.

Simula ng kanilang oprandi ay hihingi na ng processing fee na medyo magaan.pagkabayad ay susundan na ng paghingi ng hidden charges tulad ng bank transfer na magpapaexcite sa pobreng kliyente na masusundan pa ng utay – utay na mistulang ekstorsyon na hanggang makahalata si victim at rereklamo na sa scammer.
Then, bigla nang mawawala ang budol kaya goodbye sa pera ni victim ‘tol.

Naglipana na talaga ang scammers sa panahong ito.

Paging CIDG lalo kay PNP Chief Gen.Nicolas Torre Sir!…ABANGAN!!

Lowcut- Isa sa mga nireklamo ay ang Cash Loan Lending Company( magpaliwanag kayo). CASH LOAN O CASH SCAM?