Advertisers

Advertisers

MALASAKIT SA TAO NI BONG GO, PINURI NI MAYOR JOY

0 475

Advertisers

PINAPURIHAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Senator Christopher “Bong” Go dahil sa palagian niyang pagsuporta sa mga biktima ng kalamidad sa lungsod.

“Nagpapasalamat po kami. Alam ko umiikot po si Senator Bong Go ngayon sa buong Pilipinas pero hindi niya kami kinakalimutan kahit kelan dito sa lungsod ng Quezon,” ang sabi ni Belmonte.

Personal na pinuntahan ni Senator Go ang mga nasunugan sa Barangay Manresa, Quezon City nitong Miyerkoles.



“Kahit isang beses wala po siyang absent sa atin, lagi po siyang present. Minsan pa kapag may sakuna ay nauuna pa siya sa akin dumating at nagdadala ng ayuda,” ang sabi ng alkalde.

Idiniin ni Go na hindi tumitigil ang pamahalaan sa pagsisikap na matugunan at matulungan ang mga biktima ng fire-related incidents lalo sa mga mahihirap na komunidad.

Matatandaang iniakda at inisponsoran ni Go ang panukala na kalauna’y naging Republic Act No. 11589 o mas kilalang Bureau of Fire Protection Modernization Act, na nag-aatas sa Bureau of Fire Protection na ipatupad ang modernization program sa kawanihan.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong September 14, ang nasabing batas ay inaasahang magpapalakas sa BFP upang maging isang world-class institution sa mandato nitong iimplementa ang modernization program, kinabibilangan ng recruitment ng firefighters, specialized training, at pag-upgrade o pagbili sa mga bagong fire equipment.

“Ang importante po sa akin ay sana walang masaktan. Parati po akong pumapasyal dito sa Quezon City… Minsan po madaling araw pa lang pinupuntahan ko na ‘yung mga bahay habang pinapatay pa ang apoy. Ingat tayo dahil bawat bahay na nasusunog, minsan nadadamay po ang kapitbahay,” ani Go.



“Sa mga nasunugan po, huwag po kayong mag-aalala, magtulungan lang po tayo. Ang importante po ay buhay tayo. Ang pera po ay kikitain, ang gamit po ay nabibili pero ‘yung pera na kikitain ay hindi po nabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever kaya mag-ingat po kayo,” idinagdag niya.

Pinasalamatan din naman ni Go sina Mayor Belmonte, Bagong Henerasyon Party-List Representative Bernadette Herrera, Councilors Bernard Herrera at Tany Joe “TJ” Calalay, maging si Manresa Punong Barangay Arturo Tambis sa kanilang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasunugang residente.