Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAPAPANUOD ngayong Sabado (8:15 pm) sa Magpakailanman sa GMA ang Never Give Up: The Ken Chan and Rita Daniela Story na tampok ang kuwento ng buhay ng Kapuso stars na sina Ken at Rita.
Tampok din dito sina Shyr Valdez, Sharmaine Arnaiz, Jong Cuenco, William Lorenzo at Nicole Donesa, sa direksyon ni Phillip Lazaro.
Speaking of Ken and Rita, labis ang tuwa ng dalawa nang makasali sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2021 ang pelikula nilang “Huling Ulan sa Tag-Araw.”
Hindi naman maikakaila ang kanilang saya dahil naitawid nila ang pelikula sa gitna ng pandemya, sa direksyon ni Louie Ignacio.
“Sabi ni direk Louie, ‘Halikayong dalawa, halikayong dalawa! May balita ako, nakapasok tayo sa MMFF!’ Nagtalunan kaming tatlo,” kuwento ni Ken.
“Sobrang nagsisisigaw kami roon sa loob ng studio talaga ng GMA. Kasi siyempre ang sarap sa feeling at makita na nakikita namin ‘yung pangalan naming dalawa ni Ken nandu’n sa malaking screen.
“Lalo pa nu’ng nakita namin ‘yung lineup, The Magic 8 na tinatawag nila,” ayon naman kay Rita.
Excited sina Ken at Rita sa isasagawang fluvial Parade of Stars dahil alam nilang sobrang sikat ang MMFF Parade of Stars at gusto nilang makaranas na sumakay sa float.
Higit sa lahat, gusto nilang mapanood ng mga tao ang kuwento at ang magandang pagkakagawa ng “Huling Ulan sa Tag-Araw.”
“Ang daming nagtatanong bakit iba-iba ‘yung wig ni Rita rito, ‘yung buhok niya, may mga eksena na color pink, minsan violet, minsan white, minsan yellow. ‘Yon ang abangan niyo,” sabi ni Ken.
Kasama rin sa pelikula sina Lotlot de Leon, John Gabriel at Richard Yap.
***
INIHAYAG nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang advantages at disadvantages na magka-love team sila sa mga Kapuso project habang magkarelasyon din sa totoong buhay.
“I think the biggest advantage is siyempre wala na ‘yung barriers because we are a real-life couple, we got to know each other off-cam,” sabi ni Khalil sa panayam sa kanila ni Suzie Abrera sa Unang Hirit nitong Miyerkules.
“Pero one of the disadvantages naman is that when we get too busy, masyado na kaming workmates. We sometimes forget about relaxing,” dagdag ni Khalil.
Ayon naman kay Gabbi, tinatrabaho nila ito ni Khalil, pero masaya siyang mas nagkakakilala pa rin sila ng kanyang nobyo.
“Right now that’s what we’re working on. Which is also exciting because we get to see the other side of each other,” saad ng Kapuso actress.
Bukod sa magkatambal sa kanilang mga Kapuso project, hilig din ng “GabLil” ang pag-vlog.
“We’re glad that we’re a two-man team. We do everything together. I’ll do the planning, Khalil will mount the camera. So it’s also very exciting. Every shoot is a different story,” sabi ni Gabbi.
“Ang hirap to move around kasi nga two-man team lang kami. Pero eventually we both got the hang of it,” ani Khalil.
Magtatambal sina Gabbi at Khalil para sa “Love On Air” na ikatlong installment ng Kapuso drama romance anthology na “Stories From The Heart.”
***
KAPAG natapos na ang pandemic, saan unang gustong pumunta ni Shaira Diaz at bakit?
“Sa US. Gusto ko po ulit bumalik sa US para kasing gusto ko na siyang maging ano, parang every year gusto ko nakakapagbakasyon ako sa US kasama yung mga tita ko, yung family ko dun.
“So iyon po, after the pandemic siguro sa US po ulit.”
Nitong nakarang taong 2020 ay hindi raw siya nakapagbakasyon sa Amerika dahil nga sa pandemya kaya umaasa si Shaira na late this year o sa taong 2022 ay makabalik siya doon; may mga kamag-anak daw siya sa Virginia at sa San Francisco.
Malapit ng mapanood si Shaira sa Lolong ng GMA na sila nina Ruru Madrid, Arra San Agustin at Christopher de Leon ang mga bida.
Napapanood din si Shaira sa I-Bilib.
Laging ugaliing makabuluhan at puno ng kaalaman tungkol sa science at technology ang inyong Linggo ng umaga (9:35 am sa GMA) sa mga brand new episode ng iBILIB!
Sa direksyon ni Rico Gutierrez, samahan ang award-winning host na si CHRIS TIU, ang Kapuso comedian na si ROADFILL MACASERO, at ang Kapuso sweetheart na si SHAIRA DIAZ sa kanilang masasayang eksperimento!
Matuto at malibang tuwing Sunday mornings sa iBilib!