Advertisers

Advertisers

Jasmine leading lady ni Lloydie sa sitcom; Catriona nakabili na ng sariling bahay

0 159

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SA  first day  lock-in taping ng sictom ni John Lloyd Cruz na ang tamang title ay Happy To Get  para sa GMA 7 ay nandoon si Jasmine Curtis-Smith.

Tanong tuloy ng mga Kapuso fans ay kung ang younger sister ni Anne Curtis daw ba ang leading lady ni Lloydie?

Wala raw magiging problema kung si Jasmine ang leading lady  dahil  next  year pa naman ang airing ng sitcom at that time ay tapos na ang serye nina Jasmine at Alden Richards na The World Between Us. Puwede rin guest lang si Jasmine  sa pilot episode ng sitcom o baka dinalaw lang niya si JLC dahil  pareho silang mina-manage ng Crown Artist  Management.

If ever na si Jasmine nga ang leading lady sa sitcom ay first time niyang gagawa o mapapasabak sa comedy.

“Back to  work. Salamat Lord!” nasabi ni Edgar Mortiz na director ng sitcom ni Lloydie. Sa Instagram account ni Direk Bobot ay nagpost ito ng larawan habang nasa control booth  at tsini-check ang taping.

Binati ni Randy Santiago si direk Bobot at saka nagbiro kung puwede siyang mag-guest na sigurado namang pagbibigyan ni direk.

***

BUONG pagmamalaking ibinalita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na may matatawag na rin siyang sariling tirahan.

Pinost ni Catriona last Nov. 20 ang bago niyang acguired  condominium  unit. Isang dekada rin daw siyang umupa sa iba`t ibang  bahay at ngayon ay may sarili na rin siyang matutuluyan na kanyang pag-aari.

“Home  2022. Since leaving home at  17, I`ve always  dreamed of having a place of my own. For the past  10 years  I`ve  been a nomad, I`ve  rented and moved from  place  to place. But  earlier  this  year I finally called  a home  MINE. #CasaDeGray. I`m super  excited to be sharing how this space  transforms over  the  next  few months and to also  be #Supportinglocal  in and throughout   my home from local furnitures to local artists and artisans. Pero  curious ako!  What  do you  think  my  “design  style  is?”  caption pa ni Catriona sa kanyang IG post.

Masaya at nagdiriwang ang 12 million followers ni Catrional dahil magagawa niyang ilagay ang gusto niyang dekorasyon sa sariling tirahan.

Tamang-tama naman na lumabas na rin ang kanyang single music video na Love Language under Global Pinoy Music, Collaboration ito ni Catriona at Sydney based producer  Billy Josh  Cabusas.

***

Michael V hindi naisama ang mga dating katrabaho sa BG

Sinubukan ni Michael V at ng team niyang Bubble Gang para sa pagdiriwang ng 25th anniversary ng longest running gag show sa TV, na imbitahan ang mga dating member ng Bubble Gang pero hindi natuloy.

“So, at this point, we just  had to make do with what we have right now. We have to make the most of the situation,” say ni Bitoy

Tinangka raw nilang  imbitahan si Ogie Alcasid  na dating member ng gag show. Pero dahil nasa kabilang network na ito ay hindi nangyari.

“There  was  an attempt, sinubukan naman namin, we did our best but  along  the way, nagkaroon ng dahilan para hindi magawa yung mga nai-envision namin,” ani Bitoy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More