Advertisers

Advertisers

Sa pagkamatay ng ina ni Sue… ‘Kasabay kong umiiyak ang langit’

0 4

Advertisers

Ni Beth Gelena

Pumanaw na ang ina ni Sue Ramirez na si Chit nitong Agosto 2026.

Kinumpirma mismo ni Sue ang pagpanaw sa kanyang Instagram Story nitong nkaraang Agosto 18 ang pagpanaw ng ina.

Nag-post siya ng larawan nila at sumulat ng “Mahal na mahal kita” na may white heart emoji.

Nag-post din siya ng video habang bumibiyahe sa malakas na ulan, na may caption na “Kasabay kong umiiyak ang langit.”

Nagbigay-pugay si Javi Benitez, dating kasintahan ni Sue, kay Mommy Chit at tinawag siyang isang babaeng may matibay na paninindigan at tagapagtanggol ng mga manggagawa.

Si Chit ay dating vice president ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Noong Enero 2026, humingi ng blood donors si Sue para sa kanyang ina kaugnay ng isang open-heart surgery.

Maliwanag sa mga post ni Sue na matindi ang kanyang pagluluksa sa pagkawala ng kanyang ina.