Advertisers

Advertisers

Jessy miss na ang showbiz pero tutok muna sa pagbubuntis; Heart at Paolo kapalit ng DongYan bilang Primetime Queen at King ng Siyete

0 126

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA kabila na nagpuputok ang butsi ni Paolo Contis sa isang Maritess na isang social media influencer sa pagpapakalat ng maling info sa kanya.

Kasinungalingan nga raw ang itsinitsika nitong nagdra-drugs si Paolo, sinasaktan ang mga bata nung sila pa ni LJ Reyes.

At ang Maritess ay ikinuda na si Yen Santos daw ang nagbayad ng kanilang dinner nung birthday nito nung November 20.

Na-decline naman daw kasi ang card ni Paolo kahit pa sinasabi nitong kasinungalingan dahil ‘di raw nagka-card si Paolo na marami naman pumatol.

Nakalma lang si Paolo nang sabihing maganda raw ang rating ng bago nilang project with Heart Evangelista at Richard Yap.

Kaya marami ang nagsasabi na sina Heart at Paolo na raw ang mga bagong may hawak ng Primetime.

Naku, ayaw nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na tinaguriang Primetime King and Queen.

Tutal wala pa naman daw project ang couple as long na magkaroon na pero now ay tila sina Heart at Paolo na ang puma-primetime.

Lalo na nga raw at papasok na si Megastar Sharon Cuneta sa Ang Probinsiyano na katapatan ng ILMIS, magandang salpukan ito ayon pa sa netizens.

***

NAGPARAMDAM si Jessy Mendiola na miss na niya ang showbiz at dahil sa kanyang pag-aasawa ay isa ‘yun sa nagpabago sa buhay niya.

True raw na miss na niya ang pagharap sa kamera. Wish naman nito na soon ay may magandang project na ibigay sa kanya.

Pero sa ngayon ay naghahanda at pinaghahandaan naman ng kanyang katawan ang pagbubuntis.

Wish din nito na twins agad ang kanyang ipagbubuntis.

At the same time kung bakit di pa siya visible sa showbiz ay dahil napaka-busy ni Jessy as a housewife.

Dagdag pa ang kanyang pagbla-vlog sa sarili nitong YTC.

Sa ngayon ay ang pagbuo nila ng kanyang mister na si Luis Manzano ng sarili nilang pamilya ang tutok at pokus ang couple.

Well, well, well…’Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More