Advertisers

Advertisers

Ciara ‘sakalam’ ang pag-flex ng suporta sa tambalang Lacson-Sotto

0 89

Advertisers

TUNAY na “sakalam” ang suporta ni Ciara Sotto-hindi lang sa ama niyang si Senate President Tito Sotto kundi maging sa pangulo nito sa May 2022 elections na si Senador Ping Lacson.

Nasa Instagram account ni Ciara na may username na “pinaypole,” ang pag-“flex” niya ng suporta sa Lacson-Sotto tandem matapos i-post ang hit na infomercial video ng dalawa na “Tapusin Ang Lagim, Yakapin Ang Liwanag.”

Nakasaad sa naturang post ang flexing emoji na #LacsonSotto2022.

Popular at markado sa mga tao ang infomercial na “Tapusin Ang Lagim, Yakapin Ang Liwanag.” Hindi lang dahil sa malinaw ang mensahe sa tao  kung hindi maging sa  boses na ginamit dito, si Henyo Master Joey De Leon.

Bagama’t naka-off ang comment section sa post ni Ciara, sa ibang socia media na napapanood din ang infomercial, may mga tanong kung si Joey rin kaya ang nag-isip ng mga nakalagay dito dahil may pagkamatalinghaga at patula na marka ng EB host.

“Kung gusto nating magbago ang ating buhay, ito ay nasa ating mga kamay. Kung tayo ay pipili ng lider na hinog sa kakayahan, sanay sa labanan, at subok sa karanasan; mga lider na may utak ang tapang, at may tapang ang utak: Tapusin ang lagim, yakapin ang liwanag [sabay pakita kina Lacson at Sotto].”

Hindi na dapat pagtakhn kung sa susunod na survey ay lalo pang umangat ang Lacson-Sotto tandem, na para sa mga political analyst ay may pinakamalawak na karanasan at pinakahanda sa lahat ng mga kandidato para pamunuan ang Pinas. (BKC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More