Tambalang Bianca De Vera at Dustin Yu bibida na sa big screen sa movie ng Regal Entertainment na “Ba’t ‘Di Na Lang Tayo”; My One Love on Christmas Day ni Rozz Catchy at kakikiligan ninyo
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Libo-libong fans ang dumagsa para saksihan ang unveiling ng tambalang DusBia o Dustin Yu at Bianca De Vera para sa pagbibidahang pelikula ng dalawa na “Ba’t ‘Di Na Lang Tayo” from Regal Entertainment.
At dahil patok ang DusBia loveteam sa television na grabe magpakita ng suporta ang kanilang fans. Tiyak na kikita rin ang tambalang ito sa takilya lalo’t maganda ang istorya ng movie at mahusay ang director na si Jason Paul Laxamana na isang box office director.
Kapag nag-click ang movie ng DusBia ay dalawa na bale ang malalakas na loveteam sa Regal Entertainment na pinangungunahan ng JMFyang na sina JM Ibarra at Fyang Smith. Abangan soon in Cinemas nationwide ang Ba’t ‘Di Na Lang Tayo.
***
Ang lakas ng recall ng pamaskong awitin ni Rozz Daniels na “My One Love On Christmas Day.” Panu, very catchy ang lyrics ng first original christmas single ni Rozz na composed ng iconic na si Doc Mon Del Rosario, na good friend niya.
This September ay full-blast ang si Rozz sa promo niya ng My One Love On Christmas Day. At magpo-promote siya sa Sept 5(Sabado) sa solo weekend showbiz program sa DWIZ 882 ng inyong lingkod. Makakasama ni Rozz sa guesting niyang ito ang american husband na si Sir David at ang tatlong nephews na sina Shiharu Torregosa Saito at Brandon Lee-Torregosa na new faces in showbiz at mga talent ni Rozz at Sir David sa kanilang R&D Entertainment Production. Join din ang gwapong Pianist na si Richael Torregosa, Electric Guitarist Abby Torregosa Larena at Monica Torregosa sa said radio appearance ni Rozz sa DWIZ.
Abangan ang airplay ng My One Love On Christmas Day sa sikat na FM Station ngayong September. Out na rin ang song sa Spotify, iTunes, Apple Music, Deezer, and other music platforms.
At sa gagawing 7 mall shows ni Rozz para sa kanyang “Pop Rock Diva Mall Tour 2026.” Kakantahin ng said “Revival Queen” ang My One Love On Christmas Day sa Isetann Recto sa August 30, from 3:00 PM to 6 PM, September 12, 2 PM to 5 PM sa Farmers Plaza Araneta Cubao, at sa September 20, 3 PM to 6 PM sa Victory Plaza sa Caloocan, Monumento. Abangan ang announcement ng R&D Entertainment Production para sa apat pang susunod na mall shows ni Rozz.
Meanwhile, kapag pinakinggan mo ang lyrics ng My One Love On Christmas Day, kakikiligan at kaiinlaban mo at tatatak sa iyo ang chorus line nito na,
Sa Iyong tiyaga ako ay humanga sa iyo
Kaya sa araw ng Pasko may surprise ako
You’ll be my one love on christmas day
Ang halik at yakap ko, I will give them all to you
My heart and my soul will be yours baby
Simula paskong ito and everyday I will love you.
At sabi nga sa caption post, ng alaga naming si Rozz Daniels,
“The new original(christmas) single that’s celebrates love, hope, and the magic of christmas.”