Advertisers

Advertisers

Barbie idinenay na inumbag si Diego kaya nagkasugat

0 95

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGKAROON  ng iba’t ibang espekulasyon ang naging pahayag ng controversial vlogger na si Xian Gaza tungkol sa relasyon ng magkasintahang Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Lumalabas kasi na on the rocks ang relasyon ng dalawa dahil sa pahayag ng vlogger na two-timer si Diego.

Aniya, dinadayo raw nito ang sex siren na si AJ Raval sa bahay nito without Barbie’s knowledge.

May insinuation pa na madalas mag-away ang dalawa dahil sa pagseselos ni Barbie kay AJ na idinenay naman ng una.

Naging usap-usapan din kamakailan ang pagkakaroon ng sugat ni Diego sa kamay  na umanoý dala ng pisikal na away nila ni Barbie.

Sa isang panayam, nilinaw naman ni Barbie na hindi sila nagkakapisikalan ng boyfriend.

Katunayan, nagpaliwanag din siya hinggil sa sugat na tinamo ng kasintahan.

Aniya, naaksidente raw talaga si Diego at siya pa mismo ang sumama rito para magamot sa ospital.

“Nung time na naaksidente si Diego, dapat uuwi na ako. Tapos tinawagan ko ‘yung kuya ko, sabi ko, hindi ako makakauwi kasi dinala ko sa hospital si Diego. Tapos sabi ng kuya ko, ‘Ano nangyari?’ ganito ganyan. Tapos nung okay na si Diego, pumunta siya dito sa house ko tapos pinakita niya kay kuya ‘yung tahi ng kamay niya,” kuwento niya.

Hirit pa niya, marami raw ang makakapagtestigo sa naganap na aksidente kay Diego sa gym.

“Ang daming may alam kung ano ‘yung nangyari sa kamay ni Diego kasi may mga tao sa gym,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, maging ang co-owner ng  Th3rd Floor gym na suki si Diego ay makapagpapatotoo sa nasabing aksidente.

“Even si kuya Joe [Vargas], ‘yung part-owner ni Gerald Anderson sa Th3rd Floor, alam nila kung ano nangyari kay Diego. Kasi tinext pa nila si Diego kung anong nangyari, anong dumbbell, anong ganito,” pahayag niya.

Matatandaang kamakailan, naging laman din ng balita si Barbie nang ituro siyang third party sa hiwalayan ng popular vloggers na sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.

Idinenay naman ito ni Diego nang ipagtanggol niya si Barbie sa mga akusasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More