Advertisers

Advertisers

Bong Go pinuri si PRRD, inilabas pondo sa benepisyo ng HCWs

0 246

Advertisers

PINURI at pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa kautusan nitong ilabas ang karagdagang pondo para mabayaran ang healthcare workers (HCWs) na tinamaan ng COVID-19 at matiyak na ang mga nasa frontlines ay mabigyan ng karampatang benepisyo at pinansiyal na kailangan habang gumaganap sa kanilang tungkulin.

Ayon kay Go, inaprubahan ng Pangulo ang paglalabas ng pondong P1.5 billion upang mabayaran ang HCWs na nahawahan ng COVID-19 habang nasa duty, gayundin ang meals, accommodation and transportation (MAT) benefits ng 423,314 HCWs na hindi pa natatanggap ang nasabing allowances para sa buwan ng Setyembre 15 hanggang December 19, 2020.

Idiniin ng senador, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, na dapat masegurong ang HCWs ay nababayaran sa harap ng pagsuong nila sa panganib para lamang malabanan ang COVID-19 pandemic.



“As healthcare workers continue their life-saving work, it is incumbent upon the government to show our gratitude by providing them the appropriate allowances and benefits. Hindi pa natatapos ang pandemya, kaya dapat tuluy-tuloy lang ang pagbibigay natin sa kanila ng mga benepisyo,” sabi ni Go.

“Almost two years na silang nakikipaglaban sa pandemyang ito. Alam kong pagod na pagod at hirap na hirap na sila kaya hindi tayo dapat magkulang sa pagpapakita ng suporta,” idinagdag ng senador.

Kaugnay nito, muling iniapela ni Go ang agarang pagpapasa sa Senate Bill No. 2421 na kanyang iniakda at inisponsoran para mabigyan ng fixed monthly allowance ang healthcare workers sa panahon ng State of Emergency dulot ng pandemya.

Isinasaalang-alang ng panukala ang isang naunang panukalang batas na inihain ni Go na nagbibigay ng COVID-19 Risk Allowance bilang kapalit ng special risk allowance at iba pang kabayaran sa pananalapi na ipinagkaloob sa ilalim ng Republic Act No. 11494, na kilala rin bilang “Bayanihan 2.”

Sa partikular, binibigyan nito ang lahat ng HCW na naka-deploy sa “high risk areas” ng buwanang allowance na P9,000, habang ang mga nasa “medium risk areas” at “low risk areas” ay bibigyan ng P6,000 at P3,000, ayon sa pagkakabanggit.



“Sa ilalim ng panukalang ito, mas maraming healthcare workers ang makatatanggap ng allowances. Hindi na ito limitado lamang sa mga directly exposed sa COVID-19 patients dahil nga hindi naman talaga natin alam kung sino ang exposed sa virus na ito. Hindi natin nakikita itong COVID-19,” paliwanag ni Go.

“We do not want low morale among the ranks of our nurses. Sabi ko nga, hindi naman mababayaran ng kahit anuman ang buhay, ngunit mahalaga ito bilang pagkilala sa sakripisyo ng ating mga healthcare workers para sa ating bayan,” sabi pa ng senador.