Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 500 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Disyembre 1.
Samantala ay mayroon namang naitalang 951 na gumaling at 167 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.5% (15,327) ang aktibong kaso, 97.7% (2,768,999) na ang gumaling, at 1.72% (48,712) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 29, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na nai-test at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)