Advertisers

Advertisers

6.5-M minor bakunado na vs COVID-19

0 233

Advertisers

UMABOT na sa 6.5 milyong Pilipino edad 12 hanggang 17 ang bakunado kontra COVID-19.

Pahayag ito ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. makalipas ang ilang buwan nang sinimulan ng pamahalaan ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa mga 12-17 age group.

Ani Galvez, tuwang-tuwa sila dahil maraming mga bata ang nagpapabakuna ngayong sinimulan na rin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes.



Samantala, sinabi ng kalihim na sa nakalipas na limang-araw na national COVID-19 vaccination drive ay aabot sa 10.2 million bakuna ang kanilang naiturok sa buong bansa.

Ang Bayanihan, Bakunahan ay magkakaroon ulit ng phase 2 ngayong buwan ng Disyembre.