Advertisers
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anim na lugar sa bansa sa state of calamity matapos na daanan ng bagyong Odette.
Sa kaniyang “Talk to the People” nitong Martes ng gabi sinabi ng pangulo na kaniyang inaprubahan ang resolusyon na isinumite ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) na ilagay sa state of calamity ang Regions 4B, 6, 7, 8, 10 at 13 (CARAGA Region).
Ang nasabing desisyon aniya ay para mapabilis ang rescue, relief at rehabilitation efforts ng mga government at private sectors.
Matatandaang personal na binisita ng pangulo ang mga lugar na sinalanta ng bagyo noong nakaraang mga araw.
Samantala, isinailalim din sa state of calamity ang lungsod ng Iloilo matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na base sa data, kwalipikado ang Iloilo City na ilagay sa state of calamity at sa pamamagitan nito ay mas mapapadali ang pagpapadala ng tulong sa mga biktima ng bagyo.
Sa ngayon, umabot na sa 138 ang bilang ng apektadong barangay sa lungsod kung saan 405 ang totally damaged na bahay at 8,738 ang partially damaged. (Vanz Fernandez)