Advertisers
BUMUBUHOS ang suporta sa batang Olympian na tinatayang tutupad sa pangarap ng sambayanang Pilipino- ang gintong medalya sa Olimpiyada . Inaprubahan na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pondong P3.2-M para magamit ni 2020 Tokyo Olympics-bound Carlos “Caloy” Yulo ng gymnastics na target ang pinaka-presyosong karangalan sa pinak- prestihiyosong Summer Games.
Ang hiling na budget ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) newly elected president Cynthia Carrion-Norton para sa gastusin at paghahanda ng 49th Artistic Gymnastics World Champions sa Summer Games na gaganapin sa 2021 ayon sa PSC ay pumasa na sa board resolution.
Sinabi ng gymnastics official sa TOPS: Usapang Sports sa online video conference na nagpasa siya ng kabuuang P4-M sa ahensya ng pampalakasan, ngunit hindi niya nakuha ang eksaktong pondo; gayunpaman, kinumpirma nitong naaprubahan na ang pondo. “I asked for 4M, but the board resolution only approves about 3 million.
However, we’re not receiving it yet and I wish that I could get the money as soon as possible,” pahayag ni Carrion-Norton sa talakayang suportado ng PSC at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor). Subalit hindi umano inayunan ng PSC ang hiling na ito ni Carrion-Norton dahil mayroon na itong natanggap na financial aid mula sa MVP Sports Foundation na nagkakahalaga ng P800,000.00 na ipinadala mula sa GAP. Sa kabilang banda ay patuloy na hinihiling ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez sa Kongreso na mabawi ang nawalang pondo matapos ilagay ito sa Bayanihan Act I at kunin ang P596 million sa National Sports Development Fund at P773 million General Appropriations Act (GAA) bilang pagtulong sa coronavirus disease pandemic.
“Right now coach Mune [Munehiro Kugeyama] gave me another budget of P6-million, it became 6M ang dami-dami na. That’s the work for this Olympic gold medal. But we’ll find more way,” saad ni gymnastics official na sinabing lalapit pa umano ito kay San Miguel Corporation president at CEO na si Ramon Ang. “I will still find a way to get more help, but I’m sure the Congress will help, because they see the benefit of Caloy aiming for the gold medal and dedication to do it,” dagdag ni Carrion-Norton. (Danny Simon)