Advertisers

Advertisers

MMDA at Maynila magtatayo ng 3 rainwater impounding facility vs baha

0 16

Advertisers

Magtatayo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Maynila ng tatlong rainwater impounding facility para maibsan ang pagbaha sa lungsod.

Itatayo ang mga pasilidad sa Remedios Circle, Rajah Sulayman Park, at sa Vito Cruz ASEAN Garden sa loob ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex.



Nilagdaan nina MMDA Chairman Romando Artes at Manila Mayor Isko Moreno ang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng proyekto.

Tinatayang 10,000 cubic meters ang kayang imbak ng tubig sa Remedios Circle, 8,000 cubic meters sa Rajah Sulayman Park, at 9,600 cubic meters naman sa Vito Cruz ASEAN Garden.

Bahagi ang proyekto ng Metro Manila “Sponge City Program” na may P4 bilyong pondo para sa rainwater catchment facilities.

Target itong matapos bago ang tag-ulan sa susunod na taon, habang 39 pang lokasyon sa Metro Manila ang tinukoy para sa kaparehong proyekto. (Jocelyn Domenden)