Advertisers
Buking sa pwet ng isang inmate sa Tagum City Jail ang droga na itinago sa gitna ng inspeksyon sa loob sa Davao del Norte.
Sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology Region XI, medyo metikuloso naman ang presong nahulihan ng droga dahil bago isuksok sa pwet ay nakalagay ang isang pakete ng shabu sa loob ng pakete ng isang handmade soap.
Nabuking ang nasabing droga nang magsagawa ng search operation sa naturang bilangguan.
Dinala sa isang PNP crime laboratory ang inmate para sa urine at specimen drug testing pagkatapos ng operasyon.