Advertisers
MALUPIT itong si ComElec Commisioner Rowena Guanzon. Pero tama ang kanyang paghihigpit, legally right! Yes!!!
Hinahanapan ni Guanzon ng notaryadong medical certificate si Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. matapos na hindi ito nagpakita kahit sa virtual preliminary hearing noong Biyernes, Enero 7, regarding sa kinakaharap niyang disqualification case.
Ang rason ni BBM kaya hindi siya pumasok sa virtual hearing ay masakit daw ang kanyang lalamunan, nahihirapang huminga, malat ang boses, at naka-isolate, matapos ma-expose sa dalawang staff niyang Covid-19 positive.
Kung totoo msn ito, masasabi nating balido ang rason. Pero kahit pa sabihing balido, kung talagang gusto ni BBM magpakita sa Zoom ay magagawa niya, mapatunayan lang sa poll body na wala nga siyang boses. Pero hindi niya ginawa, hindi talaga siya pumasok sa Zoom. Kung anong dahilan, yun nga…naka-isolate daw siya, sabi ng kanyang abogado. Hehehe…
Kaya tama rin itong hinihingi ng Comm. Guanzon kay BBM, mag-submit ng notaryadong medical certificate. Tama!
***
Isang araw bago ang preliminary hearing sa DQ vs BBM sa Comelec, si BBM ay nagpa-interview sa radio DZME 1530. Buking!
Inamin naman ng kampo ni BBM na nagkaroon nga ng 2 interviews ang batang Marcos noong Jan. 6 kahit hindi maganda ang pakiramdam nito. Pero kinabukasan ay lalong sumama raw ang lagay ni BBM kaya hindi nagawang pumasok sa preliminary hearing sa Zoom, sabi ng kanyang Chief of Staff at spokesman na si Atty. Vic Rodriguez.
Nagsumite ang kampo ni BBM ng medical certificate mula kay Dr. Benedict Francis Veldecanas ng Aegle Wellness Center matapos mag-demand ng patunay si Guanzon.
Pero kinuwestyon naman ni Guanzon kung bakit hindi agad ipinaalam ng kampo ni BBM sa poll body ang lagay ng huli bago ang hearing. Oo nga naman!!!
Anyway, sabi ni Guanzon, sa kabila ng mga delay, ang decision sa DQ vs Marcos ay malalaman next week, Jan. 17. Kaabang-abang ito, repapips!!!
Sa pitong DQ vs BBM, dalawa na rito ang nabasura. Una ang pinadedeklara siyang nuisance candidate dahil hindi raw siya ang tunay na Bongbong. Aray ko! At pangalawa ay ang pinakakansela ang kanyang kandidatura.
Ang 2 binasurang petitions vs BBM ay talagang kabasura-sura tulad ng petitioners. Hehehe…
Pero dito sa petition ng 1Sambayan na binuo nina retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio, dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, retired Ombudsperson/retired Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales at dating Supreme Court Spokesman Teodore Ty, mukhang hirap makalusot ang batang Marcos.
Well, tingnan natin kung anong argumento ang gagawin ng kampo ni BBM para hindi ma-disqualify ang kandidatura ng huli sa darating na halalan, Mayo 9.
Si BBM ay kasalukuyang nangunguna sa lahat ng surveys. Ang mahigpit niyang kalaban ay si Vice President Leni Robredo.
Oo nga pala, balitang aatras na ang isa pang presidential aspirant na si Ping Lacson. Subaybayan!