Advertisers
KAHAPON bumoto si Pepeng Kirat sa NBA All-Stars Fan Voting. Yung mga paborito ang kanyang mga napili para sa ika-20 ng Pebrero sa Cleveland.
Sa West sa frontcourt ay sina Nikola Jokic, LeBron James, Anthony Davis habang sa backcourt ay sina Luka Doncic at Damian Lillard. Sa East naman ay heto choices niya— backcourt ay sina DeMar De Rozan, Trae Young; frontcourt ay sina Joel Embid, Jayson Tatum at Giannis Antetokounmpo.
Gaya ng dati ay pinakamatanda sa listahan si King James.
Nais niya rin sina Ja Morant sa West at si James Harden sa East pero hanggang lima lamang kada conferemce eh.
Tingnan natin kung papasok mga pick ni Pepe sa dulo.
***
Espesyal na bisita natin si Rolando Bohol sa Boomers’ Banquet. Makakapanayam natin nina katotong Bob Novales at George Boone ang dating world champion sa boxing mula ika-10 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Matutunghayan ninyo ang BB sa Facabook at YoTube. Noong isang taon ay naging panauhin na natin siya sa OKS@DWBL.
Base na sa Las Vegas ngayon si Bohol kung saan mayroon siyang online shop.
Tubong Himamaylan, Negros Occidental ang 56 na taong Pinoy pride sa pro boxing.
Gustong-gusto makabalik sa kanyang hometown pero dahil pandemya ay ipinagpaliban niya muna.
Pre-recorded ang magaganap na interview sa Huwebes ng hapon habang sa Vegas ay Miyerkules ng gabi. 16 hours kasi ang time difference natin sa kanila.
***
Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng Covid. Ang bilis pa kamong kumalat. Ang tindi ng Omicron na variant.
Dahil dito Alert Level 3 na sa Metro Manila at iba pang probinsya. Ito ang dahilan kung bakit suspindido muna ang mga game sa PBA.
Mabuti ang MPBL sa SM MOA ay natapos na na walang napabalitang mga nahawa sa kanilang hanay.
Eka nga ni Inday Badiday ay careful, careful, careful…