Advertisers

Advertisers

Bolts kailangan bang nasa PBA?

0 4

Advertisers

Sangkatutak na nagrerelakmo sa binabayaran nating halaga ng kuryente.

Tayo na kasi ang pinakamataas ang singil sa ating elektrisidad sa buong SouthEast Asia.

Si PBBM nagsalita at umaksyon na hinggil dito. Sa SONA noong huling Lunes ng Hulyo ay inatasan niya ang Kongreso na tanggalin na ang system loss sa mga consumer. Pinapabago niya ang batas na nagpapasagot sa tao ng mga nakaw o nawawalang kuryente sa sistema.

Hindi nga naman makatarungan na sagutin natin ang bagay na ito.

Ayon naman sa Tagapangulo ng Meralco na si Manny Pangilinan at iba pang pinuno ng mga electric cooperative ay magsasara sila kung mangyayari ito.

Teka dapat nagawan na ninyo ito ng paraan noon pa o kaya napaliit ang lugi dito.

Pero yung data na nakuha natin ay sinasabing hindi ito ito totoo.

Kung P30B ang numero sa system loss ay P50B naman ang kinita ng kumpanya ni MVP. Paano sila matatalo?

Kayang kaya nga nila tustusan ang Bolts sa PBA eh. Kung tutuusin ay wala itong advertising value sa kanila dahil wala silang kalaban sa kanilang framchise area.

Tinatayang posibleng umabot ng P200 hanggang 300M ang budget ng isang koponan sa pro league.

Sa isang maximum deal na player pa lang ay sasahod na ng P60M kada taon. Eh paano kung may foreign consultant ka pa na dolyares ang sweldo. Bukod pa yan sa import mo sa dalawang confetence.

Bakit nga ba nasa PBA ang Meralco. Okay siguro ang TNT na kailangan ang exposure dahil mahigpit ang kumpetensiya.

Ang nangyari lang ay ayaw padaig ni MVP kay Ramon Ang ng San Miguel Corp na tatlong koponan mayroon sa liga. Hayun nagkaroon pa siya ng Meralco at NLEX.

Ayaw patalo sa bilang ng prangkisa sa. PBA. Siyempre payabangan din dyan.

Nguni’t nakabuti ba ito sa pangkat nila.

Maaring sa personal na aspeto pero sa anong halaga.

Pwede pa ngang gamitin na lamang ang pondo sa pag- improve ng kanilang serbisyo. Matuwa pa kami sa inyo. Susmaryosep.

***

Bongga ang training camp ng new- look LA Lakers. Apat na araw sa Slovenia.

Komo sole leader na ng purple and gold si Luka Doncic ay minabuti niyang sa bansa niya gawin ang unang pagsasanay ng kanilang koponan.

Sana all!

***

“P12K kada buwan ang sweldo ko nang pumanhik sa PBA taong 1982. Pareho kami ni JB Yango

Kami rin dalawa ang tanging mga lokal na Pinoy nang magkampeon ang RP sa Jones Cup. Dinaig natin ang ipinadala ng USA sa Taipei.

Apat na korona sa NCAA ang napagwagian namin sa Red Lions noong ako ang coach. Malaking bagay sentro namin ang Kanong si Sam Ekwe.

Kahit si Manny Pangilinan din ang patron ng San Beda noon pa man ay wala kaming ganoon na boot camp tulad sa Ateneo kung saan nasawi sina Rene Baterbonia at Divine Adili.”

Yan ang iba pang kwento ni Frankie Lim nang maging piling-piling panauhin natin noong isang Lunes sa OKS@DWBL 1242 khz.

Napag-usapan rin namin ang kapwa niya point guard na si Mike Bilbao, ang ka tandem niya sa backcourt ng Tanduay.