Advertisers
ITUTULOY ng Dumper Tigers COCOLIFE ang winning tradition nito ngayong ‘Year of the Tiger sa paglahok ng koponan sa Pilipinas Super League – pinakabagong regional basketball association at posibleng ikalawang professional league sa South – sa ikalawang linggo ng Pebrero 2022.
Ito ay kinumpirma mismo ng organisador ng bagong liga na siina Rocky Chan at Chelito Caro ng PSL.
“Basically, we have the same concept with Vismin Cup as we cater homegrown players. Although open pa rin sa mga Luzon players,” pahayag ni Chan.
Sina Chan at Caro ang nagpasimula rin ng matagumpay na VisMin Cup. Kapwa sila nagbitiw sa liga para matutukan ng husto ang paghahanda sa Pilipinas Super League na inaasahang magbibigay ng mataas na kalidad ng basketball at kasiyahan sa mga basketball fans sa bansa, partikular sa Katimugan.
“Davao Occidental Dumper Tigers-Cocolife owned by congresswoman Claudine Bautista-Lim, Governor Claude Bautista and Dinko Bautista joins Pilipinas Super League as pioneering teams!” sambit ni Chan, pangulo ng PSL.
Ang Tigers na suportado rin nina COCOLIFE president Atty Jose Martin Loon ,SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay naging kampeon sa Maharlika Pilipinas Basketball League at binubuo ng mga kilalang players sa labas ng PBA tulad nina one-time MPBL MVP John Wilson, Bonbon Custodio,Billy Robles, Rob Celiz, Keith Agovida, Paulo Hubalde at Cebuano standout Emman Calo kaagapay sina Alwyn Alday, Gab Dagangon,Jason Grimaldo, Irvin Palencia,Allan Santos,Marco Balagtas, Jerwin Caco at Jose Peesbiterio.
Si mentor Alvin Bonleon ang head coach at assistants sina Manu Inigo at Matt Makalintal ayon kay deputy team manager Ray Alao.
“Hear us roar once more in Cebu PSL”,wika ni Alao.
Sinabi naman ni COCOLIFE SVP Ronquillo na ang PSL ang magiging barometro ng Dumper Tigers COCOLIFE sa misyong winning tradition thru basketball excellence ngayong taon ng mga tigre.
Bukod sa Davao Tiger, kompirmado ring lalahok ang MPBL Invitational champion Basilan BRT, Cagayan Valley Golden Eagles, Cagayan De Oro, Kapatagan, Lanao Del Norte, Roxas, Zamboanga del Norte, Pagadian, Lapu Lapu, Cebu. Boracay at Zamboanga Del Sur.
“During our last meeting, the 10 teams have signified their intentions 100%. Inihahanda na namin ang iba pang kailangang dokumento, specially yung application namin sa Games and Amusements Board (GAB) to professionalize yung liga at mabigyan ng sanction,” pahayag ni Chan.
Nagpasalamat din si Chan sa agarang suporta na ibinigay ng Dumper Partylist, Cocolife, Phenom sportswear, MALYAB, Tri Energy Corp., at Zooey- distributed by: Blue plastic Mktg.
Nakaplanong simula ang liga sa ikalawang linggo ng Pebrero sa Cebu City.(Danny Simon)