Advertisers
NALAMBAT ni Top-ranked Ash Barty ang kanyang ikalawang Adelaida International title sa loob ng tatlong taon 6-3,6-2 wagi kontra Elena Rybakina Linggo.
Dahil sa panalo umangat ang rekord ni Barty kontra sa top-20 rivals sa 17-1 simula sa 2021.
Dinaig rin ni Barty sina Coco Gauff, 2020 Australian Open champion, Sofin Kenin at 2020 French Open winner Iga Swiatek tungo sa kanyang 14th tournament win.
Si Barty ay nakatakdang maglaro sa Sydney Tennis Classic sa susunod na Linggo bago ang Australian Open na magsisimula sa Enero 17.
Sa WTA tournament sa Melbourne, Dinispatsa ni American Amanda Anisimova si Aliaksandra Sasnovich ng Belarus 7-5,1-6,6-4, para ibulsa ang kanyang ikalawang WTA title.
Ang 20-yer-old Anisimova ay galing sa 2-4 down sa first set at 0-3 sa decider para madikwat ang trophy at mapagtagumpayan ang kanyang unang titulo sa loob ng 3 taon.
Anisimova,a French Open semifinalist at dating world No.21, bumalik ang kanyang ilang best form Linggo sa Rod Laver Arena.
“I want to thank Melbourne, I always love playing here and I’m super excited for a couple more amazing weeks here,” Wika nya tungkol sa Australian Open.